Philippine adaptation ng U-Turn, mas nakakatakot kumpara sa original Indian movie

by Jojo Gabinete
Dec 5, 2020
The original Indian version (left) of the horror film U-Turn, directed by Pawan Kumar, was released in 2018; the Philippine remake, directed by Derick Cabrido, is now streaming on Netflix.

Nagsimula noong December 1 ang Netflix streaming ng U-Turn, ang horror movie ni Kim Chiu para sa Star Cinema.

Dahil sa mga positive feedback, No. 5 sa Netflix’s Top 10 in the Philippines ang pelikula ngayong Sabado, December 5.

Marami sa mga Pilipino ang hindi nakakaalam na remake ng isang Indian movie ang pelikulang pinagbibidahan ni Kim.

Ang 38-year-old Indian filmmaker na si Pawan Kumar ang sumulat ng kuwento at direktor ng U-Turn, isa mga blockbuster film sa India noong 2016.

Ang 2016 version ng U- Turn, na tinampukan ng Indian actress na si Shraddha Srinath, ang unang ipinalabas sa Netflix.

Napanood namin ito noong November 2020 kaya nakita namin ang malaking pagkakaiba nito sa Kim Chiu-starrer.

Available pa rin sa Netflix ang original version ng U-Turn.

Kung panonoorin ito ng mga Pilipino, tiyak na mapapansin nilang mas makapigil-hininga, nakakatakot, at maganda ang Philippine adaptation na mula sa direksiyon ni Derick Cabrido.

Continue reading below ↓

Isang kaso ng nahigitan ng remake ang orihinal at matibay na ebidensiya na tunay na mahuhusay ang mga Filipino filmmakers.

Co-stars ni Kim sa U-Turn sina Tony Labrusca at JM de Guzman. May special participation dito ang real-life lovers na sina Janella Salvador at Markus Paterson.

Ang U-Turn ang huling project ni Janella bago nito isinilang sa United Kingdom ang panganay nila ni Markus.

Postscript: Noong March 16, 2020, naglabas ang The Indian Express ng report tungkol sa pagkakaroon ng Philippine adaptation ng U-Turn.

May headline itong “Pawan Kumar’s U-Turn Goes Global, To Be Made in Filipino.”

Pahayag ni Kumar: “When your film is remade, you feel extremely good. I feel great as a writer, more than a director.

"It was written based on an issue that we thought was local since it is about a flyover. I never thought people across the country would relate to it, and I certainly did not foresee it would have a worldwide reach. This has come as a surprise to me.

Continue reading below ↓

"There are also plans to make it in Chinese and Thai. Negotiations for this are currently going on and contracts are being drafted."

Pero bago ito, nag-post na si Kumar sa Facebook noong March 13, 2020:

“Just got to know- Kim Chiu, JM De Guzman and Tony Labrusca are teaming up for a Filipino adaptation of Indian box office hit U Turn, a mystery thriller film that first came out in theaters in 2016.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The original Indian version (left) of the horror film U-Turn, directed by Pawan Kumar, was released in 2018; the Philippine remake, directed by Derick Cabrido, is now streaming on Netflix.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results