Paolo Contis, natakot sa unang biyahe niya abroad habang may pandemic

by Jojo Gabinete
Dec 6, 2020
paolo contis yen santos
Paolo Contis and Yen Santos star in the movie A Faroe Away Land, which is being shot in Faroe Islands, Denmark.
PHOTO/S: Instagram

Normal ang takot na naramdaman ni Paolo Contis nang lumabas siya ng Pilipinas noong November 24.

Ito kasi ang unang pagkakataong bumiyahe siya patungo sa ibang bansa para sa shooting ng A Faroe Way Land sa Faroe Islands, Denmark, habang may coronavirus pandemic.

Ang Faroe Way Land ang working title ng pelikula na pinagbibidahan nila ni Yen Santos, sa produksiyon ng MavX Productions at mula sa direksyon ni Veronica Velasco.

Ayon kay Paolo, "The production team did all the necessary legwork para matuloy ang shoot namin sa Faroe Islands.

"Same team sila ng Through Night and Day," pagtukoy niya sa movie project nila ni Alessandra de Rossi na matagal na naging number one sa Netflix Philippines at tumanggap ng rave reviews mula sa mga manonood.

Patuloy ng Kapuso actor, "Scary sa una pero sumusunod naman ang mga tao sa rules, lalo na sa plane. Nakakahilo ang matagal na pagsusuot ng face mask."

Continue reading below ↓

Tumagal ng 24 oras ang biyahe nila, at tatlong beses na paglipat ng eroplano mula sa Manila para marating ang kanyang destinasyon.

"Ngayon, December 6, ang last day ng shooting namin. It’s 8:30 a.m. right now."

Eight hours ahead ang Manila sa Faroe Islands.

"Sobrang ganda ng Faroe Islands. Parang fairytale na lugar pero hindi na nagsusuot ng mask ang mga tao.

"Sa December 9 ang balik ko sa Pilipinas," kuwento ni Paolo nang makausap siya ng Cabinet Files nitong Linggo ng hapon sa pamamagitan ng Facebook direct messaging.

Ang Faroe Islands ang isa sa mga pinakamahal na lugar sa Denmark dahil mataas ang presyo ng lahat ng mga bilihin at hotel accommodation.

Faroese ang tawag sa national language ng Faroe Islands, at Danish ang official second language.

Narating ni Paolo ang malalayo at magagandang lugar na hindi niya inakalang mapupuntahan dahil sa kanyang mga pelikulang nagawa at ginagawa.

Napuntahan ni Paolo noong 2018 ang Iceland, ang location ng Through Night and Day, at ngayon, ang Faroe Islands sa Denmark, kaya malaki ang pasasalamat niya sa kanyang acting profession.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paolo Contis and Yen Santos star in the movie A Faroe Away Land, which is being shot in Faroe Islands, Denmark.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results