On-screen chemistry nina Julia Barretto at Gerald Anderson, patok sa Netflix viewers

by Jojo Gabinete
Dec 7, 2020
Julia Barretto and Gerald Anderson in a scene from their movie Between Maybes.

Nag-umpisa ang online streaming ng Between Maybes noong December 3.

Mula noon, hindi nawawala ang pelikula nina Gerald Anderson at Julia Barretto sa Top 10 in the Philippines Today list ng Netflix.


Ipinalabas ang Between Maybes sa mga sinehan noong May 15, 2019. Pero naging kontrobersiyal lamang ang pelikula nang isapubliko ni Bea Alonzo ang pakikipaghiwalay niya kay Gerald noong July 2019.

Continue reading below ↓

Si Julia ang pinagbibintangang third party sa breakup ng dalawa dahil sa mga haka-hakang nagkamabutihan sila ni Gerald sa shoot ng Between Maybes sa Saga prefecture, Japan.

Halos tatlong buwang pinagpistahan ang isyu kaya isa ito sa mga biggest showbiz controversies ng 2019.

Matindi ang epekto nito kay Gerald dahil siya ang pinagbuntunan ng sisi, nilibak ng mga nakikisimpatiya kay Bea, at itinuring noong "most hated man" sa Pilipinas ng selosong fans.

May kasabihang likas na mapagpatawad at maiksi ang memorya ng mga Pilipino dahil makalipas ang isang taon, hindi na malaking bagay sa mga gossip-hungry people ang dating mainit at umuusok na isyu.

Iba na ngayon ang sitwasyon dahil pinupuri ng marami ang magandang kuwento ng Between Maybes mula nang ipalabas ito sa Netflix, at kinikilig sila sa malakas na on-screen chemistry nina Julia at Gerald.

Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa rin umaamin sina Julia at Gerald sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Continue reading below ↓

Naka-post sa Instagram account ni Julia ang litrato nila ni Gerald na nakatalikod bilang paalaala sa kanyang followers na mapapanood na sa Netflix ang pelikulang malapit sa kanilang mga puso.


Noong kainitan ng balita tungkol sa breakup nina Bea at Gerald, deactivated ang comments section sa Instagram account ni Julia dahil sa mga hate comments na natatanggap niya.

Continue reading below ↓

Pero makalipas ang labimpitong buwan, mga positive at encouraging words na ang mga komentong mababasa sa IG post ni Julia tungkol sa feel-good movie nila ni Gerald.

Noong unang linggo ng Nobyembre, inamin ni Julia na in love siya. Pero hindi niya pinangalanan ang karelasyon dahil natuto na siya ng leksiyong may disadvantage ang pagiging matapat niya sa mga tao tungkol sa mga nangyayari sa kanyang personal na buhay.

Pinili ni Julia na manahimik, pero marami ang naniniwalang si Gerald ang nagpapasaya ngayon sa kanya.

Sooner or later, tiyak na lalabas ang katotohanan at aamin sina Gerald at Julia.

Mahirap itago sa publiko ang isang pagmamahalang nalampasan ang mga pagsubok na pinagdaanan at patuloy na ipinaglalaban.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julia Barretto and Gerald Anderson in a scene from their movie Between Maybes.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results