Paolo Contis, 34 lbs. ang ibinawas ng timbang dahil sa juicing

by Jojo Gabinete
Dec 8, 2020
paolo contis yen santos a faroe way land
Pabalik na ng Pilipinas ang grupo ng A Faroe Way Land, ang pelikulang pinagbibidahan nina Paolo Contis at Yen Santos, matapos ang dalawang linggong pananatili sa Faroe Islands, Denmark.
PHOTO/S: Paolo Contis Instagram

Pabalik na sa Pilipinas ang cast at crew ng A Faroe Way Land.

Bukas, December 9, ang inaasahang pagdating sa bansa ng grupo na halos dalawang linggong nanatili sa Faroe Islands, Denmark, para sa shooting ng pelikulang tinatampukan nina Paolo Contis at Yen Santos.

Sa kanilang pagbabalik sa Pilipinas at mula sa Ninoy Aquino International Airport, required ang lahat na mag-check in sa hotel at sumailalim sa swab test para makatiyak na COVID-19 free sila bago payagang makauwi sa kanilang mga tahanan.

Isa hanggang dalawang araw ang paglabas ng resulta ng swab test kaya hanggang dalawang araw rin ang inaasahang pamamalagi sa hotel ng cast at crew ng A Faroe Way Land.

"Yes, we are required to check in sa hotel. Sa airport ang swab at 1 to 2 days ang paglabas ng result," kumpirmasyon ni Paolo, ang lead actor ng pelikula, tungkol sa strict procedure na kailangang sundin ng lahat ng mga pasahero mula sa ibang bansa na dumarating sa Pilipinas.

Continue reading below ↓

Kuwento pa ng Kapuso actor, "Nag-swab na ako sa Faroe Islands nung Day 1 and Day 6.

"Sa Day 1, required kami to self-isolate after the test. Pero 12 hours lang, may result na.

"Actually, hindi mararamdaman sa Faroe ang coronavirus pandemic dahil hindi na nga gumagamit ng face mask ang mga tao.

"Ang mahirap is yung panahon. Kahit may araw, bigla na lang uulan 'tapos biglang mag-i-snow. Sobrang mahirap mag-shoot."

Ang mabilis na pagpayat ni Paolo ang napansin ilang linggo bago siya lumipad sa Faroe Islands.

"Juicing" ang sikreto ni Paolo kaya 34 pounds ang nabawas sa kanyang timbang mula nang seryosohin niya ang pagpapapayat.

Kahit nasa Faroe Islands na siya, naging maingat pa rin si Paolo sa pagkain para hindi mabalewala ang pagpupursige niyang ma-achieve ang kanyang ideal weight.

"Puro sandwich lang ang kinakain ko sa Faroe at twice a day lang para hindi ako tumaba," ani Paolo.

Continue reading below ↓

Nahirapang magkuwento si Paolo ng mga unforgettable experience niya sa Faroe Islands dahil sa dami.

"Mahirap isa-isahin ang memorable experiences ko sa Faroe Islands dahil sobrang ganda nito. Para kang nasa fairytale, and the Filipinos there were so nice!"

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pabalik na ng Pilipinas ang grupo ng A Faroe Way Land, ang pelikulang pinagbibidahan nina Paolo Contis at Yen Santos, matapos ang dalawang linggong pananatili sa Faroe Islands, Denmark.
PHOTO/S: Paolo Contis Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results