Barbie Imperial, gusto ng kapangyarihang magtanggal ng stress at anxiety ngayong pandemic

by Jojo Gabinete
Dec 8, 2020
Barbie Imperial: "Sana may power ako na matanggal yung stress at anxiety ng lahat ng tao na nakaka-experience ng kung ano po yung experience ko."
PHOTO/S: Barbie Imperial Instagram

Isa si Barbie Imperial sa mga artistang sobrang naapektuhan ng coronavirus pandemic dahil naranasan niyang magkaroon ng depression.

Sa Zoom presscon ng Bagong Umaga ng ABS-CBN noong October 15, 2020, inamin ni Barbie na nagkaroon siya ng breakdown dahil sa matinding kalungkutan na kanyang nararamdaman.

Isa si Barbie sa leading lady ni Vhong Navarro sa Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim, ang fantasy-horror comedy film na official entry sa 46th Metro Manila Film Festival.

Sa virtual presscon ng pelikula nitong Martes ng gabi, December 8, muling ibinahagi ni Barbie ang kanyang pinagdaanan, mentally and emotionally, dahil sa coronavirus pandemic.

Sinabi ni Barbie na kung magkakaroon siya ng kapangyarihan, aalisin niya ang stress at anxiety ng mga taong naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

"If meron akong super power, yun ang gusto kong matanggal—yung stress and anxiety ng mga tao ngayon.

"Sobrang masayahin akong tao before pandemic happened, pero hindi ko po akalain na dahil sa pandemic, siguro dahil ang tagal naka-lockdown and nag-stay lang ako sa bahay, biglang nag-iba po yung buhay ko.

Continue reading below ↓

"Na parang from being masayahin, may days na nai-stress talaga ako na walang dahilan.

"Siguro dahil nasa loob lang ako ng bahay and hindi ko po nagagawa yung mga nakasanayan ko na lumabas at magtrabaho."

Dagdag niya, "And I know hindi lang po ako ang nakakaramdam nun, kasi even yung mga nakakatrabaho namin, yung mga artista po, naka-lock in kami, nagsa-swab po kami papasok and every time lalabas kami.

"Nakakalungkot po, kailangan namin magtrabaho, malayo po kami sa pamilya namin. At para safe sila, iiwan po namin sila sa mga tahanan namin.

"At kahit bumalik po kami ng bahay, hindi po namin sila pwedeng makasama. Siyempre, baka may dala po kaming sakit sa kanila.

"Sana may power ako na matanggal yung stress at anxiety ng lahat ng tao na nakaka-experience ng kung ano po yung experience ko."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Barbie Imperial: "Sana may power ako na matanggal yung stress at anxiety ng lahat ng tao na nakaka-experience ng kung ano po yung experience ko."
PHOTO/S: Barbie Imperial Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results