Vhong Navarro, may theory kung bakit hindi pa sila nagsasama ni Vice Ganda sa pelikula

by Jojo Gabinete
Dec 9, 2020
Vhong Navarro (left) on why he has yet to star in a movie with Vice Ganda (right): "Ang hirap sa kanyang gumawa ng pelikula na co-host niya rin sa It’s Showtime kasi, di ba, palaging napapanood araw-araw? Sa It’s Showtime kasi, lahat ginagawa namin ni Vice."
PHOTO/S: Vhong Navarro Instagram / Vice Ganda Instagram

Kailan magsasama sa pelikula sina Vhong Navarro at Vice Ganda?

Isa ito sa mga itinanong kay Vhong sa virtual presscon ng Metro Manila Film Festival 2020 entry na Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim nitong Martes ng gabi, December 8.

Nakasama na kasi ni Vice ang It’s Showtime co-host nilang si Anne Curtis sa The Mall, The Merrier, ang official entry ng Star Cinema at Viva Films sa MMFF 2019.

Hindi alam ni Vhong ang mga plano ni Vice, pero may theory siya kaya hindi pa sila nabibigyan ng pagkakataong magbida sa isang pelikula.

"Ang hirap sa kanyang gumawa ng pelikula na co-host niya rin sa It’s Showtime kasi, di ba, palaging napapanood araw-araw?

"Sa It’s Showtime kasi, lahat ginagawa namin ni Vice.

"With Anne, meron silang hindi pa nagagawa sa It’s Showtime na pwede nilang gawin sa movie.

"Unlike us, lahat, e. Kumbaga, bigay-todo kami ni Vice sa Showtime.

Continue reading below ↓

"Hindi ko kasi alam, baka natatakot siya or natatakot din ang producer na gumawa kami pareho [ng pelikula]," paliwanag ni Vhong.

Nagpakatotoo ang comedian-TV host nang patanong na sabihin nitong magbabayad ba ang mga tao para panoorin ang pelikula nila ni Vice samantalang araw-araw silang napapanood sa It’s Showtime.

"Kasi kung napapanood kami every day, kung ano-ano na ginagawa namin, e, dito ba magbabayad sila for us, napapanood kami [sa TV]?

"Hindi ko pa talaga alam kung papaano. Ako, dun ko lang siya binabasa," saad niya.

Ang Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim ang official entry ng CineKo Productions sa 46th MMFF.

Ang comedian na si Chiquito, na pumanaw noong July 2, 1997, ang unang nagbigay buhay sa katauhan ni Mang Kepweng sa 1979 movie na Mang Kepweng.

Kahit hindi niya napanood ang original Mang Kepweng films, itinuturing ni Vhong na malaking karangalan na siya ang piniling gumanap sa karakter na pinasikat ni Chiquito.

Continue reading below ↓

Unang gumanap si Vhong na Mang Kepweng sa Mang Kepweng Returns noong 2017.

Mapapanood ang sequel nito sa online streaming na UPSTREAM simula sa December 25, 2020.

Trivia: Kinunan ang mga eksena ng Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim sa bahay na ginamit ni Chiquito sa Mang Kepweng noong 1979 bilang tribute ng CineKo Productions sa original version ng pelikula.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vhong Navarro (left) on why he has yet to star in a movie with Vice Ganda (right): "Ang hirap sa kanyang gumawa ng pelikula na co-host niya rin sa It’s Showtime kasi, di ba, palaging napapanood araw-araw? Sa It’s Showtime kasi, lahat ginagawa namin ni Vice."
PHOTO/S: Vhong Navarro Instagram / Vice Ganda Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results