Ang kuwento sa likod ng classic OPM Christmas song na "Sana Ngayong Pasko"...

by Jojo Gabinete
Dec 11, 2020
Jimmy Borja (right) on "Sana Ngayong Pasko" singer Ariel Rivera: "Perfect si Ariel for the song because he's such a great singer na may puso talaga kumanta. Ariel is a very underrated singer, pero para sa akin, he’s my favorite singer."
PHOTO/S: BMG Records / @jimmyborjamusic Instagram

Isa sa mga paboritong hugot Christmas song ng mga Pinoy tuwing Pasko ay ang "Sana Ngayong Pasko."

Inawit ito ni Ariel Rivera, bilang bahagi ng kanyang Christmas album na Paskong Walang Katulad na ini-release ng BMG Records noong November 1993.

Si Jimmy Borja ang composer ng "Sana Ngayong Pasko."

Gaya ng ibang mga awiting may kinalaman sa Pasko, ang kanyang childhood crush ang inspirasyon niya sa paglikha ng kantang popular pa rin sa mga Pilipino, pati na sa kasalukuyang henerasyon ng mga kabataan.

Nakipag-ugnayan ang Cabinet Files kay Jimmy para malaman ng publiko ang kasaysayan ng "Sana Ngayong Pasko" dahil isa nga ito sa mga walang kamatayang OPM Christmas song.

THE STORY BEHIND THE SONG

“I had a late start in composing songs, 20s na ako nagsimula. I'm 55 now,” sabi ni Jimmy sa exclusive interview sa kanya ng Cabinet Files nitong Biyernes ng hapon, December 12, 2020.

"'Sana Ngayong Pasko' was inspired by a childhood crush of mine, first love kumbaga. She’s the girl who stole my heart since Grade 1 pa.

Continue reading below ↓

"I saw her again in 1992 after not seeing each other since 1978 when we were both barely teenagers.

"In '92, she was vacationing in our home province of Bohol from the States, but by then she was already with her fiancé and soon-to-be husband.”

Pagbabalik-tanaw pa ni Jimmy, "I wrote the song on an old guitar around the summer of '93 in Guadalupe, Cebu City.

"I think it took me about an hour and a half to write and finish the song—chords, melody, and lyrics."


Continue reading below ↓

ARIEL RIVERA SINGS "SANA NGAYONG PASKO"

Kasikatan ni Ariel bilang singer noong 1993.

Isang kamag-anak ni Jimmy ang nagsabing naghahanap ang BMG Records ng Christmas song para sa ilalabas na Christmas album ng balladeer na may bansag noong "Kilabot ng Kolehiyala."

Naisip ni Jimmy na ipadala ang demo tape ng "Sana Ngayong Pasko."

Lahad pa niya, "After writing the song, I then booked the Salonga Recording Studio in Cebu para I could record a demo.

"Ako lang din ang kumanta at tumugtog ng keyboard sa demo ko.

"Pagkatapos, I mailed and sent the cassette demo tape and typewritten lyrics to Vic Valenciano, the A&R head of BMG. Salamat naman at nagustuhan nila."

Para kay Jimmy, "perfect" si Ariel para kantahin ang "Sana Ngayong Pasko."

Saad niya, "Perfect si Ariel for the song because he's such a great singer na may puso talaga kumanta.

"Ariel is a very underrated singer, pero para sa akin, he’s my favorite singer.

Continue reading below ↓

"Biased lang siguro ako, but the male artists who have recorded my songs include Janno Gibbs, Dingdong Avanzado, Ogie Alcasid, Louie Heredia, Chad Borja, Jed Madela, Christian Bautista, Mark Bautista, Martin Nievera, etc."


Sa isang interview, sinabi ni Ariel na "humbled" siya dahil sa mainit na pagtanggap ng publiko nang i-release noong 1993 ang "Sana Ngayong Pasko."

Continue reading below ↓

Ganito rin ang pakiramdam ni Jimmy tungkol sa tagumpay ng kanyang composition.

Saad niya, "Nakakatuwa’t nakakataba ng puso. Both inspiring and humbling.

"Sabi ng mga kaibigan ko, nice daw ang melody and singable.

"While the lyrics, although kind of sad, but it's not really that extremely sad, parang light-hearted lang pagka-sad niya.

"Also, bumagay ang music sa lyrics.

"I'm just really grateful that I was given a chance to have a song na nagustuhan ng mga kababayan natin.

"I really owe all of it to God, He made it all possible."

Dahil phenomenal hit noon ang "Sana Ngayong Pasko," maraming celebrity singers na naglabas ng sariling version nila, at nagustuhan naman ito ni Jimmy.

"Gusto ko rin ang mga recorded version ng "Sana Ngayong Pasko" nina Sharon Cuneta, Jolina Magdangal, Sarah Geronimo, Juris, Lea Salonga, Jed Madela, Erik Santos, Piolo Pascual, Jovit Baldivino, Darren Espanto, Yeng Constantino, Ronnie Liang, Silent Sanctuary, at iba pa.

Continue reading below ↓

"Gusto ko naman silang lahat, iba’t ibang style at appeal."

JIMMY BORJA'S OTHER UNFORGETTABLE COMPOSITIONS

Year 2001 nang magpasya si Jimmy na manirahan sa Amerika, pero hindi ito naging hadlang para huminto siya sa paglikha ng mga kanta.

Ang signature-and-hit song ni Lani Misalucha na "Bukas Na Lang Kita Mamahalin" at ang "If The Feeling Is Gone" ni Ella May Saison ang dalawa pa sa mga unforgettable compositions niya.

Ayon kay Jimmy, "Marami akong songs na na-record ng mga artist sa atin, but konti lang ang na-promote because, usually in an album, the record company will release only a few songs as singles.

"Suwerte na lang kung songs natin ang mapiling i-promote sa radyo at TV.

"I had two songs that Lani Misalucha recorded, 'Bukas Na Lang Kita Mamahalin' and 'Ang Iibigin Ay Ikaw.'

"I also wrote 'If The Feeling Is Gone' for Ella May Saison at ni-revive ni Kyla.

Continue reading below ↓

"Meron din dalawang songs with Sarah Geronimo na single din, ang 'Dahil Minahal Mo Ako' and "I Still Believe in Loving You.'

"There were a few other singles din in the '90s and 2000s."

Recently, may mga kanta rin siyang ginawa para kina Regine Velasquez ("Underrated" at "Higher"), Jaya ("Sinking My Heart), Alden Richards (Until I See You Again), Ken Chan ("1 Like"), at Juris ("Here's My Heart").

Mayroon din siyang bagong Christmas songs na kinanta nina Tricia Amper Jimenez, ("Waking Up On Christmas Morning" at "Tuwing Pasko"), Jed Madela ("A Very Merry Christmas"), at Vanjoss (Cupid Santa").

Sabi ni Jimmy, "I co-wrote most of these newly released songs with various songwriter friends dito sa States.

"Mas uso na kasi ngayon ang collaboration instead of writing songs just by ourselves like I used to do noong sa atin pa ako nakatira."

Continue reading below ↓

Ipinararating ni Jimmy sa lahat ng mga Pilipino ang pasasalamat niya dahil sa patuloy na pagsuporta sa kanyang mga awiting nilikha.

Pahayag niya, "Taos-puso akong nagpapasalamat sa lahat ng tumatangkilik sa mga naisulat kong kanta.

"It's the best feeling in the world knowing that even for a few fleeting minutes, my music and lyrics can perhaps make people smile or cry a little or take them back to another place and time.

"At kung sila'y napapakanta, that's the best compliment."

Postscript: Nalaman ng childhood crush ni Jimmy na siya ang inspirasyon ng composer kaya nakagawa ito ng Christmas song na may madamdaming lyrics at gustung-gusto ng mga hopeless romantic Pinoys.

Alam din ng mga kaibigan ni Jimmy mula sa hometown nito na para sa kanyang childhood crush ang "Sana Ngayong Pasko."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jimmy Borja (right) on "Sana Ngayong Pasko" singer Ariel Rivera: "Perfect si Ariel for the song because he's such a great singer na may puso talaga kumanta. Ariel is a very underrated singer, pero para sa akin, he’s my favorite singer."
PHOTO/S: BMG Records / @jimmyborjamusic Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results