Through Night And Day nina Alessandra at Paolo, umani ng titulo mula sa Netflix at Google

by Jojo Gabinete
Dec 11, 2020
Flop man noong 2018, bawing-bawi sa papuri ang Through Night and Day this 2020. Ang romantic drama movie na ito ay pinagbidahan nina Alessandra de Rossi at Paolo Contis.
PHOTO/S: Through Night and Day trailer

Dalawang pagkilala ang tinanggap ng Through Night and Day bago matapos ang memorable year ng 2020.

Ito ay ang Most Searched Movie ng Google Philippines at Most Popular Filipino Title sa Netflix Philippines.

Ang Through Night and Day ang romantic-drama movie nina Alessandra de Rossi at Paolo Contis.

Ipinalabas iyon sa mga sinehan noong November 14, 2018, pero na-pull out makalipas ang tatlong araw dahil hindi sinuportahan ng moviegoers.

Nagsimula ang Netflix streaming ng Through Night and Day noong July 9, 2020. Naging matagumpay ito dahil sa word of mouth na maganda ang pelikula kaya tinangkilik ito ng manonood.

Mga positive comment at mga papuri ang ibinigay ng Netflix viewers sa pelikulang nagpaluha sila, kaya namayagpag ito nang husto sa popular platform at streaming service company sa panahon ng coronavirus pandemic.

Sa report ng Google Philippines, most searched movie title ang Through Night and Day na nakakuha ng pinakamataas na puwesto.

Continue reading below ↓

Tinalo nito ang Parasite, ang hit Korean film na nanalong Best Picture sa 92nd Academy Awards noong Pebrero 2020.

Tinalo rin nito ang 2020 mystery film na Enola Holmes.

Matagal na naging number one sa Netflix Philippines ang Through Night and Day.

Noong July 13, pinasalamatan ni Alessandra ang mga nagmahal kina Jen at Ben, ang mga karakter na buong husay na ginampanan nila ni Paolo.

"Maraming salamat po sa nagmahal at napaiyak nila Ben at Jen. Napaka-rare talagang pagmamahal ninyo para sa kanila," saad ni Alessandra.

Nag-flop man ito sa box office noong 2018, bumawi naman nang husto nang ipalabas sa Netflix.

Hindi naman inaasahan ni Paolo ang recognition na natanggap ng kanilang pelikula mula sa Google Philippines at Netflix, pero tuwang-tuwa siya nang makarating sa kanya ang balita.

"To be honest, I didn’t expect it kasi siyempre, nanggaling ako sa fact na nung 2018, hindi naman masyadong napansin ang Through Night and Day.

Continue reading below ↓

"I am very happy that people eventually got to see it and appreciated it.

"Yun lang naman ang gusto ko bilang artista, ang panoorin ang mga ginagawa kong pelikula dahil pinaghirapan ko rin ‘yon, not just me but the whole team."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Flop man noong 2018, bawing-bawi sa papuri ang Through Night and Day this 2020. Ang romantic drama movie na ito ay pinagbidahan nina Alessandra de Rossi at Paolo Contis.
PHOTO/S: Through Night and Day trailer
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results