Four Sisters Before The Wedding, ipinalabas na pala sa mga sinehan?

by Jojo Gabinete
Dec 13, 2020
Left: Four sisters and a wedding. Right: Four sisters before the wedding.
Ipinalabas na pala sa mga sinehan ang Four Sisters Before The Wedding (kanan), ang prequel ng 2013 Star Cinema movie na Four Sisters And A Wedding (kaliwa). Ni hindi man lang natin namalayan.
PHOTO/S: PR photo

Hindi namalayan ng publiko na nagbukas sa mga sinehan noong Biyernes, December 11, ang Four Sisters Before The Wedding.

Ito ang pelikula ng Star Cinema na prequel ng 2013 blockbuster movie na Four Sisters And A Wedding na pinagbidahan nina Bea Alonzo, Toni Gonzaga, Angel Locsin, Shaina Magdayao at Enchong Dee.

Mga bida sa Four Sisters Before The Wedding sina Alexa Ilacad, Charlie Dizon, Gillian Vicencio, Belle Mariano, at Clarence Delgado.

Ipinalabas ang Four Sisters Before The Wedding sa tatlumpo’t tatlong sinehan ng SM Malls at City Mall sa iba’t ibang probinsya na hindi saklaw ng General Community Quarantine.

Kagaya ng Cavite, Bulacan, Laguna, Pampanga, Rizal, Bicol, Cebu, Bacolod at Zamboanga.

At tulad ng inaasahan, hindi tinangkilik ng manonood ang unang Tagalog movie na mapangahas na ni-release sa mga sinehan habang malaki pa ang problema ng buong mundo sa coronavirus pandemic.

Ang malungkot na kapalaran sa box office ng Four Sisters Before The Wedding ang malinaw na ebidensya na nangangamba pa ang mga tao na pumunta sa mga sinehan.

Continue reading below ↓

Ito'y kahit na sa kabila pa ng mahigpit na pagpapatupad ng theater management sa safety and health protocols na two-seats apart, bawal kumain sa loob, hindi maaaring hubarin ang mga suot na facemask at faceshield.

Alam ng Star Cinema executives na hindi pa handa ang publiko na dumayo sa movie houses kaya isinabay nila sa cinema release ng Four Sisters Before The Wedding ang streaming nito sa KTX.ph, iWantTFC, Sky Cable, TFC, at Cignal.

Ang unfavorable result sa takilya ng latest movie project ng Star Cinema ang nagsilbi na acid test para sa sampung pelikula na opisyal na kalahok sa 46th Metro Manila Film Festival (MMFF) na magsisimula sa December 25, 2020.

Dahil takot pa ang karamihan na lumabas mula sa kanilang bahay para manood ng sine, mas malaki talaga ang tsansa na panoorin ng mga tao sa online streaming ng UPSTREAM.ph ang mga pelikula na kasali sa 46th edition ng MMFF.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ipinalabas na pala sa mga sinehan ang Four Sisters Before The Wedding (kanan), ang prequel ng 2013 Star Cinema movie na Four Sisters And A Wedding (kaliwa). Ni hindi man lang natin namalayan.
PHOTO/S: PR photo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results