Come On, Irene lead actress Nats Sitoy, may sama ng loob sa katatapos lang na PPP4 awards night

by Jojo Gabinete
Dec 13, 2020
Nats Sitoy, lead actress of Come On, Irene.
"Napaka-unethical po ng nangyari. Wala man lang respeto,” paglalabas ng sama ng loob ni Nats Sitoy, bida ng Come On, Irene na isa sa mga entry sa 4th Pista ng Pelikulang Pilipino.
PHOTO/S: PR photo

Napaiyak sa sobrang sama ng loob ang indie actress na si Nats Sitoy dahil sa karanasan niya na nangyari kagabi, December 12, sa virtual awards night ng 4th Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) ng Film Development Council of the Philippines.

Si Nats ang title roler sa Japanese manga film na Come On, Irene at nominado siya sa best actress category ng Gabi ng Parangal ng Pista ng Pelikulang Pilipino.

Kahit si Nats ang lead actress ng pelikula, nominado rin para sa nabanggit na kategorya ang kanyang Japanese co-actress na si Hana Kino na supporting character ang ginampanan na papel.

Si Kino ang hinirang na best actress ng PPP at masaya si Nats para sa tagumpay nito, pero masamang-masama ang loob ng Pinay actress dahil sa nangyari sa kanya.

“Nasa Zoom po kaming lahat sa awards night ng Pista ng Pelikulang Pilipino. The Japanese producer of Come On, Irene, Mr. Shozo Ichiyama was also present in the Zoom. I even have the proof that he was there.

Continue reading below ↓

Screengrab of Zoom session of 4th Pista ng Pelikulang Pilipino awards night.

“Nung ia-announce na po yung nominees ng best actress, waiting na po kami. Biglang in-unmute po ako ng tech at minessage ako na mag-prepare na raw po ako kasi tatawagin na ako after,” ang umpisa ng kuwento ni Nats nang makausap siya ng Cabinet Files nitong Linggo nang gabi.

Continue reading below ↓

Hindi itinanggi ni Nats na umasa ito na mananalo siya na best actress dahil ipina-unmute sa kanya ang Zoom microphone niya pero iba ang nangyari.

“Hala, in-unmute ako. Feeling ko ako yung mananalo. Nang i-announce na yung winner, nagulat ako, although happy ako na si Miss Hana ang nanalo dahil magaling naman siya.

“I don’t mind na nanalo siya, pero awkward yung situation. 'Tapos narinig ko sa host, ako ang tatanggap ng award? Di ba, mali po? Bakit ako, e nominated din ako?

“Siyempre, live iyon, wala akong magawa. I have to smile, I have to be professional. Ako yung nag-thank you in her behalf,” ang sabi ni Nats na tuluyan nang napaiyak habang kausap ng Cabinet Files dahil sa kahihiyan na sinapit niya.

“Ang sakit! Ang sakit po talaga.

"After my speech, natulala talaga ako. Sabi ko sa sarili ko, tama ba itong ginawa ko? Parang may mali. Mali po talaga.

Continue reading below ↓

“After the awards night, ang tagal kong inisip kung tama ba itong nararamdaman ko or baka OA lang ako or what?

“Na-realize ko, 4 a.m. na ako nakatulog, na-realize ko na hindi po talaga tama yung ginawa nila.

“Imagine lang po yung feeling na inaaway ko ang sarili ko. Tama ba yung nararamdaman ko?

“Para akong inapakan. In-in your face ako na hindi ako nanalo! Ang sakit lang po talaga. Ang sakit. Ni wala man lang apology.

“I’m so stressed out. Up until now, nanginginig pa rin ako. Ayokong magalit, hindi ko po talaga ugali na magalit pero I’m so hurt! Hindi ko po deserve ito.

“Wala po akong pangalan. I know na hindi po ako sikat na artista but I worked so hard to be where I am right now. Hindi ko po deserve ang ganito. I feel so bad.

"Napaka-unethical po ng nangyari. Wala man lang respeto,” ang umiiyak na pahayag ni Nats.

Continue reading below ↓

Co-production venture ng Japan at Pilipinas ang Come On, Irene at si Nats ang napili na gumanap sa karakter ni Irene dahil siya ang nakapasa sa ginanap na audition.

Lumipad si Nats sa Japan dahil dito kinunan ang lahat ng eksena ng pelikula noong 2017.

Tungkol sa isang 40-year-old Japanese guy na biglang umalis sa rural village nila at bumalik na may kasamang Filipina wife habang nakaburol ang kanyang namatay na ama ang kuwento ng Come On, Irene.

Nagkaroon ng nationwide screening sa Japan ang Come On, Irene noong September 14, 2018 at ipinalabas sa Busan International Film Festival ng Busan, South Korea noong October 17, 2018.

Bukod sa pagbibida sa Come On, Irene, nanalo si Nats na best supporting actress para sa Lily, isa sa official entries sa Cinema One Originals noong 2016 at naging bahagi rin siya ng mga television series na Ang Sa Iyo ay Akin ng ABS-CBN at I Heart Davao ng GMA-7.

Continue reading below ↓

Kasama rin si Nats sa cast ng "Doctor Hero" episode ng Maalaala Mo Kaya na pinagbidahan ni Arjo Atayde at napanood noong December 5, 2020.

HOT STORIES

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot here para lagi kang updated, and join our community for more pakulo!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Napaka-unethical po ng nangyari. Wala man lang respeto,” paglalabas ng sama ng loob ni Nats Sitoy, bida ng Come On, Irene na isa sa mga entry sa 4th Pista ng Pelikulang Pilipino.
PHOTO/S: PR photo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results