Ang Pangarap Kong Holdap, most watched comedy film on Netflix Philippines

by Jojo Gabinete
Dec 15, 2020
(From left) Jerald Napoles, Paolo Contis, Pepe Herrera, and Jelson Bay starred in Ang Pangarap Kong Holdap, the most watched comedy film on Netflix Philippines in 2020.

Ang comedy heist movie na Ang Pangarap Kong Holdap ang pinaka-popular na title sa comedy genre ng Netflix Philippines ngayong 2020.

Nagbukas sa Philippine cinemas ang Ang Pangarap Kong Holdap noong November 28, 2018.

Pinagbibidahan ito nina Paolo Contis, Jerald Napoles, Jelson Bay, at Pepe Herrera.

Pero tulad ng Through Night and Day, na ipinalabas naman sa mga sinehan noong November 14, 2018, na-pull out din ang Ang Pangarap Kong Holdap dahil hindi ito tinangkilik ng manonood sa kabila ng mga papuri ng film critics.

Nag-umpisa noong July 2, 200 ang Netflix streaming sa Ang Pangarap Kong Holdap.

Gaya ng Through Night and Day (Most Watched Romance Movie for 2020 ng Netflix Philippines), naging mainit ang pagtanggap ng Netflix viewers at matagal na nag- number one ang pelikulang most watched comedy movie sa listahan ng Netflix Philippines.

Maligayang-maligaya ang cast ng Ang Pangarap Kong Holdap dahil hindi nila inakalang makababawi at makababangon mula sa pagkakalugmok ang kanilang pelikula na nabigyan ng pangalawang pagkakataon.

Continue reading below ↓

"Humble brag" ang ginamit na term ni Jerald nang ibahagi nito ang trivia tungkol sa Ang Pangarap Kong Holdap, na hindi pinayagan noong ipalabas sa ibang mga sinehan dahil marami ang kontra sa pamagat.

"Humble. We weren’t allowed to be shown in several cinemas because of the title of our film.

"We were very confident with the material and the creative process, but we ended up celebrating our premiere night in a mini resto-bar because our gala premiere was also cancelled by the cinema," pagbabalik-alaala ni Jerald tungkol sa mapait na karanasan nila noong November 2018.

"Brag. Two years after, we were advised that we are gonna be shown on Netflix. We were ecstatic and blessed that people will finally see our stupid masterpiece.

"And there you have it. We were no. 1 for a few weeks and now we’re the most watched comedy on Netflix Philippines for 2020.

"When you believe, you’ll receive.Salamat mga defootah!! Tinola lang malakas!!” sabi ni Jerald.

Continue reading below ↓

Masayang-masaya ang aktor dahil makalipas ang dalawampung buwan, nakamit ng kanilang pelikula ang hustisya.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(From left) Jerald Napoles, Paolo Contis, Pepe Herrera, and Jelson Bay starred in Ang Pangarap Kong Holdap, the most watched comedy film on Netflix Philippines in 2020.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results