Pagbabalik ni John Lloyd Cruz sa showbiz, done deal na?

by Jojo Gabinete
Dec 15, 2020
Aksidenteng nakita ng Kapuso broadcaster na si Arnold Clavio ang aktor na si John Lloyd Cruz (nasa larawan) na nakikipag-meeting sa TV director na si Edgar Mortiz sa isang restaurant sa Quezon City kagabi, December 14.
PHOTO/S: Courtesy of Arnold Clavio

Ang Instagram post ng broadcast journalist na si Arnold Clavio kagabi, December 14, ang tila pahiwatig na done deal na ang negosasyon sa pagitan ni John Lloyd Cruz at ni Albee Benitez.

Si Albee, dating congressman ng Negros Occidental, ang executive producer ng Brightlight Productions.

Matagal nang usap-usapan ang pagbabalik-telebisyon ni John Lloyd, na nagkaroon ng self-imposed showbiz hiatus noong October 2017, at ang Brightlight Productions ang nagtagumpay na makuha ang kanyang serbisyo.

Pero walang kumpirmasyon mula kay Albee, maliban sa sagot nitong "working on it."

Hiningi ng Cabinet Files ang permiso ni Arnold na magamit ang screenshot ng video ng pagkikita nila ni John Lloyd, na nilagyan niya ng caption na “Isang gabi ng kuwentuhan at tawanan with @johnlloydcruztm. Abangan ang kanyang pagbabalik sa ilalim ng @brightlightprodph.”

arnold clavio john lloyd cruz

Continue reading below ↓

Matalik na magkaibigan sina Albee at Arnold kaya ang Instagram post ng Kapuso broadcaster ang tila hudyat na tuloy na tuloy na ang sitcom na pagbibidahan ni John Lloyd sa TV5. Ipo-produce ito ng Brightlight Productions at mula sa direksyon ni Edgar Mortiz.

“A place in Morato [Quezon City],” sagot ni Arnold nang itanong ng Cabinet Files ang lugar na pinangyarihan ng pagkikita nila ni John Lloyd noong Lunes ng gabi.

"Accident lang. May meeting yata sila ni Direk Bobot [Edgar Mortiz]," sabi ni Arnold.

Mapapansin sa Instagram video ni Arnold ang clean-cut look ni John Lloyd at ang muling pagkakaroon nito ng movie-star aura.

Palatandaan itong handang-handa na siyang balikan ang propesyong pansamantalang iniwan dahil pinili niya noong mamuhay bilang isang normal na mamamayan.

john lloyd cruz candid

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aksidenteng nakita ng Kapuso broadcaster na si Arnold Clavio ang aktor na si John Lloyd Cruz (nasa larawan) na nakikipag-meeting sa TV director na si Edgar Mortiz sa isang restaurant sa Quezon City kagabi, December 14.
PHOTO/S: Courtesy of Arnold Clavio
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results