Agimat ng Agila ni Bong Revilla, tuloy na ang paglipad sa 2021

by Jojo Gabinete
Dec 15, 2020
(From left) Michelle Dee, Bong Revilla, and Sanya Lopez in scenes from upcoming GMA-7 fantasy series Agimat ng Agila.
PHOTO/S: Courtesy of Rico Gutierrez

Nag-resume ang taping ng Agimat ng Agila, ang comeback TV project ni Senator Bong Revilla sa GMA-7, noong December 5, 2020.

Nag-umpisa ang taping ng Agimat ng Agila noong February 2020.

Ang original plan ay ipalabas ito sa telebisyon sa huling linggo ng Marso o unang linggo ng Abril, pero nagbago ang lahat dahil sa coronavirus pandemic.

Habang naghihintay sa pagpapatuloy ng taping ng Agimat ng Agila, may mga pagsubok na pinagdaanan si Bong ngayong 2020.

Sumakabilang buhay noong June 26 ang kanyang ama na si former Senator Ramon Revilla Sr., at dinapuan siya ng COVID-19 noong August 9.

Makalipas ang sampung buwan, muling ipinagpatuloy ang naudlot na taping ng Agimat ng Agila, pero marami nang pagbabago dahil sa mahigpit na pagpapatupad sa health and safety protocols.

Sa Tanay at Antipolo, Rizal ang lock-in taping ng TV comeback ni Bong mula December 5 hanggang December 17, at sa susunod na taon na ang airing nito.

Continue reading below ↓


Co-stars ni Bong sa Agimat ng Agila sina Sanya Lopez, Michelle Dee, Roi Vinzon, Allen Dizon, at Benjie Paras.

Si Rico Gutierrez ang direktor ng proyekto, at si Nap Jamir ang director of photography.

Malaking hamon para kay Rico, sa mga artista, at sa production staff ng Agimat ng Agila ang pabagu-bagong klima ng panahon. Bukod sa madalas na umuulan sa location nila, mahirap kunan ang mga action sequence.

"Dapat maayos ang lahat dahil comeback ito ni Senator Bong," sabi ni Rico.

Si Rico ang nagmagandang-loob na ibahagi sa PEP ang behind-the-scene photos sa very challenging taping ng ambitious project ni Bong.

rico gutierrez agimat ng agila

Rico Gutierrez and son Abijah

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(From left) Michelle Dee, Bong Revilla, and Sanya Lopez in scenes from upcoming GMA-7 fantasy series Agimat ng Agila.
PHOTO/S: Courtesy of Rico Gutierrez
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results