Former actor Edgar Quizon, son of Dolphy, dies at 63

by Jojo Gabinete
Dec 16, 2020
Edgar Quizon, former actor and son of Comedy King Dolphy, passed away because of pneumonia Tuesday afternoon, December 15. He was 63.
PHOTO/S: Courtesy of Epy and Eric Quizon

Pumanaw na ang dating aktor na si Edgardo "Edgar" Quizon, panglima sa anim na anak ng Comedy King na si Dolphy at ng former actress na si Grace Dominguez.

Namatay si Edgar dahil sa pneumonia nitong Martes ng hapon, December 15.

Siya ay 63 taong gulang.


Naging bahagi rin ng movie industry si Edgar dahil naranasan niya noong mag-artista sa mga pelikula ng RVQ Productions, ang film outfit na pag-aari ng Comedy King.

Kabilang sa mga pelikulang ginawa ni Edgar noong aktibo pa siya sa showbiz ay ang Dancing Master, Dolphy’s Angels, Good Morning Professor, at May Pulis, May Pulis sa Ilalim ng Tulay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakatakda ang cremation sa mga labi ni Edgar sa St. Peter’s Chapel, sa Commonwealth Avenue, Quezon City, ngayong Miyerkules ng hapon.

Ito ay ayon sa kanyang 36-year-old son na si Egai na junior niya.

"Pneumonia po ang ikinamatay ni Dad at family decision po na ipa-cremate siya.

"Mapagmahal siyang ama. Although may mga pagkukulang siya, pero alam namin na mahal niya kami.

"Naalaala ko siya kapag sabay-sabay kaming kumakain at nagkukuwentuhan. Mahilig kasi siyang kumain," sabi ni Egai sa pakikipag-usap sa kanya ng Cabinet Files ngayong hapon.

Si Egai ang isa sa limang anak na naulila ni Edgar.


Edgar Quizon (center, in red shirt) with his family

Samantala, nag-post si Eric Quizon sa Instagram account nito ng mensahe ng pamamaalam para sa kanyang kapatid sa ama.

Mensahe ni Eric sa pumanaw na kapatid: "Farewell Kuya Edgar, may you find peace in heaven.

"Please hug Dad, Kuya Freddie, Kuya Rolly and Dino for me. You will be missed.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"We love you. Rest in peace my brother."


Hiningan naman ng Cabinet Files ng mensahe si Epy Quizon para kay Edgar, at ito ang kanyang pahayag:

"We will miss you Kuya Edgar. Be with Dad, Kuya Freddie, Dino, and Kuya Rolly. Take care of each other.

"We love you. Rest in peace our beloved brother."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Edgar Quizon, former actor and son of Comedy King Dolphy, passed away because of pneumonia Tuesday afternoon, December 15. He was 63.
PHOTO/S: Courtesy of Epy and Eric Quizon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results