Shaina Magdayao, aminadong naging adventurous pagdating sa pag-ibig

by Jojo Gabinete
Dec 18, 2020
Shaina Magdayao: "Siguro ngayon, mas bina-value ko po yung energy ko, yung oras ko, yung buhay ko, yung emotions ko, kaya medyo po hindi na tayo ganoon ka-adventurous. Natuto na po tayo."
PHOTO/S: Shaina Magdayao Instagram

Ang coronavirus pandemic ang dahilan kaya hindi natuloy ang pelikulang dapat pagsasamahan ng ex-lovers na sina Shaina Magdayao at John Lloyd Cruz.

Pero nagkaroon ang aktres ng cameo appearance sa Servando Magdamag, ang project na pinagbibidahan ng kanyang dating karelasyon.

"Nakapagtrabaho na po kami noong December, pero cameo lang po yun, so ilang days lang ako sa set.

"We worked together for Lav Diaz film. Nag-cameo po ako and I’m not so sure kung kailan po ipapalabas yun.

"The movie po talaga dapat na pagtatrabahuan namin ay na-hold because of the pandemic, so hindi siya nag-materialize.

"I don’t know if 2021, makapag-materialize na yun," kuwento ni Shaina nang makapanayam siya ng entertainment press sa virtual conference ng Tagpuan, ang official entry ng Alternative Vision Cinema sa 46th Metro Manila Film Festival.

Magsisimula ang MMFF 2020 sa December 25, at mapapanood sa UPSTREAM.ph.

IS SHAINA ADVENTUROUS IN LOVE?

Tanya ang pangalan ng adventurous character ni Shaina sa Tagpuan. Ibang-iba umano ito sa lahat ng mga role na ginampanan niya sa telebisyon at pelikula.

Continue reading below ↓

Napangiti si Shaina nang tanungin kung adventurous ba rin siya sa tunay na buhay at sa pag-ibig tulad ng karakter niya sa Tagpuan.

Natawa si Shaina sa narinig na tanong, pero inamin niya ang katotohanan.

Saad niya, "Siguro noong bata ako. Na-witness naman niyo po yun.

"Wala naman akong itinatago pagdating diyan sa buhay ko.

"You’ve witnessed me fall in love and have my heart broken only to rise up again.

"Siguro ngayon, mas bina-value ko po yung energy ko, yung oras ko, yung buhay ko, yung emotions ko, kaya medyo po hindi na tayo ganoon ka-adventurous. Natuto na po tayo," walang paliguy-ligoy na sagot ni Shaina.

Nagpapasalamat naman ang aktres dahil nakagawa siya ng isang pelikulang mula sa panulat ni Ricky Lee ang kuwento.

"Hindi ko naisip na tanggihan ang Tagpuan because first it’s a Ricky Lee script.

"Minsan lang po dumating sa buhay ng isang artista ang ma-offer-an na gumanap ng isang karakter ni Ricky Lee. It was such an honor."

Continue reading below ↓

May sagot din si Shaina tungkol sa mga papuri ni Alfred Vargas sa kanyang acting ability nang magkasama sila sa Tagpuan.

"Ako po yung artista na I always look forward to working with different actors.

"Kumbaga, isa po ‘yan talaga na collaboration for me because ako’y naniniwala na bawat artista na katrabaho ko po, kung ano yung bigay nila, magiging iba rin yung bigay ko dahil sa generosity nila.

"At isang generous actor si Mr. Alfred Vargas.

"He really took care of me maski off cam. Having a producer like Alfred, kailangan pa po natin ng mga producer na katulad niya."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Shaina Magdayao: "Siguro ngayon, mas bina-value ko po yung energy ko, yung oras ko, yung buhay ko, yung emotions ko, kaya medyo po hindi na tayo ganoon ka-adventurous. Natuto na po tayo."
PHOTO/S: Shaina Magdayao Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results