Celine Pialago to Doris Bigornia: "Life is too short, Madam. Magbago ka na."

by Jojo Gabinete
Dec 20, 2020
Yung ginawa raw na pagpapatawad ni Celine Pialago (R) kay Doris Bigornia (L) noong 2019 ay pinagsisisihan niya ngayong 2020. Matatandaang sinaktan at sinigawan diumano ni Doris si Pialago nang aksidenteng mabangga siya ng huli. Ang inirereklamo ngayon ni Pialago ay ang "incomplete report" ni Doris tungkol sa isang announcement ng MMDA. Si Pialago ay spokesperson ng MMDA at si Bigornia ay reporter ng Kapamilya channel.
PHOTO/S: File, https://www.facebook.com/mmdaspokesperson

Hindi nagsisisi si MMDA Assistant Secretary and Spokesperson Celine Pialago sa pagtawag nito ng "Demonyong Reporter" kay ABS-CBN news reporter Doris Bigornia.

Ang outburst ni Pialago sa kanyang Facebook page ay bunsod ng tinatawag niyang "hindi kumpleto" na report ni Doris sa TV Patrol noong Biyernes, December 18, 2020, tungkol sa pagbubukas ng Dario Bridge sa Balintawak, EDSA, para sa emergency vehicles.

"Yung ganoong asal, demonyo talaga!” ang pahayag ni Pialago sa exclusive interview sa kanya ng Cabinet Files na nangyari kahapon, December 19.

Ayon kay Pialago, ibinase ni Doris ang ulat nito tungkol sa pagbubukas ng Dario Bridge mula sa Viber group chat na MMDA MEDIA FOR OPERATIONS, kung saan hindi miyembro ang Kapamilya reporter.

Ayon pa rin sa spokesperson, may nagparating sa kanya ng mga pinag-usapan sa Viber group ng MMDA, at sa tingin niya ay dito kinuha ni Doris ang second-hand at incomplete information na nagdulot ng kalituhan sa publiko.

“Yung batikos naman sa gobyerno, tanggap na namin," sabi ni Pialago sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "pero kumpleto naman ang information na ibinigay ko. Kumpleto ko na ibinigay sa Viber group ang information.

Continue reading below ↓

“Ang worst, hindi naman siya part ng Viber group namin. Wala siya sa Viber group. Hindi ko alam kung sino ang nagbigay sa kanya ng information."

Dagdag nito, "Basta fair reporting lang."

Sinabi rin ni Pialago na ang pag-anunsiyo sa publiko ng maling impormasyon ay maaring maging sanhi ng aksidente.

Pagpapatuloy nito, "Lalo pang nagkaroon ng kalituhan nang maipakalat ang pahayag ng MMDA na bukas na pati ang Darrio Bridge sa Balintawak, EDSA, sa report niya.

"Putol ang inilabas niya na screenshot ng news.

"Una, ang tunay kong message sa Viber, bukas ang Dario Bridge for emergency vehicles. Bakit niya sasabihin na nagkalituhan?” ang nagtatakang reaksiyon ni Pialago sa "incomplete" report ni Bigornia.

“Pangalawa, nakakatakot iyon for private motorists kasi they might really think na bukas na ang Dario Bridge, e, pang-ambulansya lang iyon. Siyempre, yung mga bus mabibilis sa bus lane, paano kung may maaksidente?

"Meron siyang channel, merong TV para makapag-report, e, ako wala naman akong TV station, not unless iinterbyuhin ako.

Continue reading below ↓

"Hindi ko rin naman mapipili yung soundbytes na lalabas. I have only my FB page.

“Siya nasa radyo siya. May programa siya na isang oras. So, sa usapin pa lang ng media mileage, kaya niyang magpakalat nang tama at maling information na wala ako.

“Meron lang akong FB page to clarify things pero hindi naman lahat ng tao, nakasubaybay sa akin, so mainam lang na may clarification,” ang pahayag ni Pialago, na hindi binanggit ang pangalan ni Doris ni minsan sa phone interview niya sa writer na ito.

PIALAGO VERSUS BIGORNIA IN 2019

Noong August 9, 2019, inilabas ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang report tungkol sa reklamo ni Pialago sa Ombudsman ng ABS-CBN laban kay Bigornia dahil sa paninigaw, paninira, at pananakit sa kanya.

Iniurong ni Pialago ang reklamo niya dahil daw nakahanap si Doris ng "padrino," at tuloy ay nagkaharap at nagkausap sila sa Mario’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City, noong August 2019.

Continue reading below ↓

"Nag-file ako noon sa Ombudsman ng ABS-CBN for her unbecoming behavior. Nag-ready ako ng witnesses, kumpleto ang evidences ko na sinugod niya ako sa office.

"Sinabihan niya ako na kapag pupunta siya sa MMDA office, ayaw niyang makita ang mukha ko.

"Unfortunately, nakahanap siya ng tao na makaka-reach sa akin. Hindi ko alam kung paano niya nakilala.

"Yung tao na iyon, nanay-nanayan ko na rin na halos hindi ko mapahindian.

"Siya yung mga panahon na wala pa ako, nandiyan siya for me. Tinuruan niya ako ng public relations, ipinasok sa iba’t-ibang related jobs, so hindi ko talaga siya mahihindian.

"Alam ko naman na may isyu siya [Doris] sa akin. I treated our meeting with full confidentiality. Alam iyan ng mga empleyado ng Mario’s restaurant na nagkita kami sa private room sa taas noong August 2019.

"Pinatawad ko siya dahil naghanap siya ng padrino...

"Kinausap ko siya. Seryosong-seryoso siya noon, mabait siya. Ipinaliwanag niya na misunderstanding lang iyon. Na ayaw niya ng gulo. Na huwag nang palakihin. Na hindi kinakaya ng mga anak niya yung mga bashing. Na huwag na siyang kasuhan dahil baka mawalan na siya ng trabaho."

Continue reading below ↓

REPORTED COMPLAINTS AGAINST BIGORNIA

Nag-alala raw noon si Doris dahil tatlo na raw ang nagsumite ng reklamo laban sa kanya.

Sa kuwento ni Pialago, "Pangatlo na kasi ako na nagreklamo.

"Yung una, sa concert ng The Script. Yung pangalawa, yung GMA-7 provincial reporter na binastos niya sa Mindanao."

Ang tinutukoy ni Pialago na concert ay nangyari noong April 17, 2015, sa Mall of Asia Arena. Nagreklamo ang isang concertgoer sa Facebook dahil hindi raw sinunod ni Bigornia ang seating arrangement. At nung pinaalis daw ng bouncer ang reporter dahil nagkakasiksikan na at nagha-hyperventilate ang anak ng nagreklamo, humirit umano si Bigornia ng, "Wala akong paki kahit mamatay siya diyan."

Nag-apologize si Doris sa pamamagitan ng isang Facebook post, pero pinabulaanan niyang nagbitaw siya ng ganoong "harsh statement."

Ang pangalawang insidente ay nangyari sa Davao, kung saan pinagbantaan umano ni Doris na sasapakin nito si GMA-7 Mindanao DMNG Engineer Al Lim Ramz, kahit marespeto raw itong nagsabi kay Doris na nakaharang siya sa kamera ng GMA-7.

Continue reading below ↓

Ang pangatlong reklamo ay manggagaling dapat kay Pialago.

Kuwento ng MMDA spokesperson: "'Tapos, pangatlo na ako na seryosong inirereklamo siya, so nakaramdam na siya ng takot.

"On the spot, nagpa-follow up pa siya sa padrino na kung na-withdraw ko na ba yung reklamo ko, kaya nag-message ako kay Miss Ging Reyes na I’m withdrawing my case against her."

Si Ging Reyes ang namumuno ng News and Public Affairs ng Kapamilya network.

"Nagdadalawang-isip talaga ako kung patatawarin ko siya dahil feeling ko tatraydurin lang niya ako.

"Pero my mom told me, masamang magalit. Masama na hindi magpatawad.

"So, parang ang sama-sama ko kung hindi ko siya patatawarin kaya pinatawad ko na siya.

"Ako naman, kung nag-sorry na, okey na iyon. Nagsabi naman siya na magiging mabait na."

Ngunit nitong 2020, may panibagong galit ni Pialago na nagmumula sa pananadya raw ni Doris na hindi kumpletuhin ang detalye ng ulat tungkol sa Dario Bridge.

Paglalahad ni Pialago, "I mean, puwede siya na maging honest reporter. Puwede niya kaming banatan kasi our agency is not perfect also. Our policies are not also perfect. Wala naman problema dun kaya nga nandiyan ang media at ang gobyerno para magtulungan.

Continue reading below ↓

"Pero yung ginagawa niya, mali.

"Ang pambabatikos at bashing sa mga nagtatrabaho sa gobyerno ay normal lang, pero yung intentional na incomplete report, mali iyon dahil kung kumpleto ang ibinigay sa iyo na detalye, dapat na ilabas mo rin ang kumpletong detalye."

Dahil sa hinahanap ni Pialago na kulang sa Dario Bridge report ni Bigornia, naungkat ngayon nito ang pangakong binitiwan daw sa kanya ni Doris noong 2019 at ang pagsisisi raw ng reporter noong panahong iyon.

"Nangako ka na magiging fair reporter ka na. Kung ang assessment mo, nagkalituhan sa iyo, we fully respect that, pero yung mali at incomplete na report, mali kasi iyon.

"So, okey na iyon, may deal kami na magpapakabait na siya. Kung ayaw niya akong interbyuhin, okey lang din iyon kasi discretion naman iyon ng reporter kung kanino siya mas komportable kaya pinatawad ko siya. Nag-agree kami.

"Dumaan ang ilang buwan, eto na naman.

Continue reading below ↓

"Biro mo, trinato ka na mabuti ng tao, nag-usap na tayo. Mabigat na mabigat sa loob ko na patawarin ka dahil sa ginawa mo sa akin, pero nagpatawad pa rin ako.

"Wala naman akong problema sa ABS-CBN reporters. Siya lang talaga as a person.

"Yung pagkatao niya talaga, hindi ko maintindihan.

“Yung ibang reporters naman nila, tama yung pagkaka-report. Bakit kapag siya, hindi niya binuo yung statement? Pinasama pa niya ako!"

Sa panghuli, may iniwang mensahe si Pialago kay Doris: "Life is too short, madam. Magbago ka na. Hindi masama na maging mabuting tao."

Hindi pa malinaw kung sa pagkakataong ito, pormal na magrereklamo si Pialago sa ABS-CBN news department laban kay Bigornia.

Nagpadala ng mensahe ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Doris kahapon, December 18, upang kunin ang reaksiyon niya hinggil sa isyu, pero hanggang ngayong gabi ng December 20 ay wala pa itong sagot.

Nagpadala rin ang PEP.ph ng mensahe sa head ng ABS-CBN News division na si Ging Reyes.

Continue reading below ↓

Bandang 8:30 p.m. ng December 19, Linggo, nagpaabot ng maikling pahayag ang ABS-CBN News sa PEP.ph sa pamamagitan ni Kane Choa, ang head ng ABS-CBN corporate communications.

Heto ang nilalaman:

We are looking into the claims in the Facebook post against our reporter. As always, we welcome feedback and comments on our news stories. We also encourage that they be emailed with as many clear details as possible for us to have a complete appreciation of the feedback, comments or complaints.

Bukas ang PEP.ph sa panig ni Doris Bigornia tungkol sa isyu.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yung ginawa raw na pagpapatawad ni Celine Pialago (R) kay Doris Bigornia (L) noong 2019 ay pinagsisisihan niya ngayong 2020. Matatandaang sinaktan at sinigawan diumano ni Doris si Pialago nang aksidenteng mabangga siya ng huli. Ang inirereklamo ngayon ni Pialago ay ang "incomplete report" ni Doris tungkol sa isang announcement ng MMDA. Si Pialago ay spokesperson ng MMDA at si Bigornia ay reporter ng Kapamilya channel.
PHOTO/S: File, https://www.facebook.com/mmdaspokesperson
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results