Wency Cornejo hindi ininda ang Bell's Palsy habang nasa Masked Singer Pilipinas

by Jojo Gabinete
Dec 20, 2020
Tinakpan ni Wency Cornejo ang kalahating bahagi ng mukha habang kausap ang Masked Singer Pilipinas host na si Billy Crawford. Sumali si Wency sa contest nang may Bell's Palsy.
PHOTO/S: Screen Grab from Masked Singer Pilipinas

Hindi naging hadlang sa singer na si Wency Cornejo ang pagkakaroon niya ng Bell’s Palsy para hindi siya sumali sa Masked Singer Pilipinas, ang musical mystery singing competition ng Viva Television at ng TV5.

Na-diagnose si Wency noong February 2020 ng Bell’s Palsy, isang uri ng facial paralysis kung saan hindi nakokontrol ang muscle sa apektadong bahagi ng mukha.

Unang inilahad ng singer ang kanyang kalagayan sa presscon ng Playlist 2: The Best of OPM concert noong March 2020.

Ipinagtapat niya noon na nahihirapan siya sa pagbigkas ng vowels at consonants dahil sa kanyang karamdaman, pero patuloy pa rin ang pagkanta ng 53-year-old singer na may kakayahang makontrol ang boses niya.

Sa kasamaang-palad, hindi natuloy ang concert nila ng ibang OPM artists sa Smart Araneta Coliseum noong April 3 dahil sa coronavirus pandemic.

Ang latest stint niya ay sa Masked Singer Pilipinas.

Si Wency pala ang nasa likod ng maskara at costume ni Tikboy, at inilantad niya ang kanyang pagkatao nang ma-eliminate siya kagabi, December 19.

Continue reading below ↓

Ayon kay Wency, wala sa kanyang plano na sumali sa nabanggit na singing competition dahil sa kalagayan niya.

Ikinuwento rin niyang nagpagawa siya ng maskara para sa kaliwang bahagi ng kanyang mukha na naapektuhan ng Bell’s Palsy, pero hindi niya nadala at nagamit nang mag-perform siya sa Masked Singer Pilipinas.

At dahil naiwan niya ang face mask na ipinagawa, tinakpan ni Wency ng kanyang kamay ang kalahati ng mukha niya habang iniinterbyu siya ng host na si Billy Crawford.

"Ako ang dapat magpasalamat sa inyo because you gave me the opportunity to be on the Masked Singer stage. Actually, I was very very emotional also during rehearsals because to be honest, I didn’t want to join because I have Bell’s Palsy.

"Ayoko talaga. I actually had a mask made to cover the left eye kaya lang nakalimutan kong isuot, so kakanta na lang ako ng final song ko na nakatakip yung left eye ko,” ang sabi ni Wency na nakuha ang paghanga ng Masked Singer Pilipinas Judge Detectives na sina Aga Muhlach, Cristine Reyes, Julia Barretto, Matteo Guidicelli, at Kim Molina dahil sa professionalism na ipinamalas niya.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tinakpan ni Wency Cornejo ang kalahating bahagi ng mukha habang kausap ang Masked Singer Pilipinas host na si Billy Crawford. Sumali si Wency sa contest nang may Bell's Palsy.
PHOTO/S: Screen Grab from Masked Singer Pilipinas
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results