Pahayag ng police chief mula sa Catanduanes tungkol sa pagbibigay respeto sa mga pulis, lalong nagpasilakbo sa damdamin ng mga Pinoy

by Jojo Gabinete
Dec 21, 2020
Umaapoy ang galit ng maraming Pilipino dahil sa walang awang pagpatay ng police officer na si Jonel Nuezca sa isang mag-ina sa Paniqui, Tarlac, kahapon, December 20.

Lumitaw na ang unang bahagi ng video ng tangkang pagdakip ni Police Staff Sergeant Jonel Nuezca kay Frank Anthony Gregorio sa Paniqui, Tarlac.

Makikita rito ang pananabunot ng batang anak na babae ni Nuezca sa isang babaeng umaawat sa ginagawa niya.

Sa huling bahagi naman ng video, kitang-kita ang pananakit ng bata kay Sonya Gregorio, ang ina ni Frank na niyakap nang mahigpit ang kanyang anak para protektahan sa pag-aresto ni Nuezca.

Pagsigaw ng bata ng “My father is a policeman!” ay walang awa at walang pusong binaril ng pulis ang mag-inang Sonya at Frank.

Sumiklab ang galit ng mamamayang Pilipino dahil sa brutal na pagpaslang ni Nuezca sa walang kalaban-labang mag-ina at sa inasal ng kanyang anak.

BATO POLICE CHIEF

Lalong nagsilakbo ang damdamin ng mga Pilipino dahil sa insensitive and irresponsible social media post ni Bato, Catanduanes Municipal Police Station Officer in Charge Police Captain Ariel Buraga.

Sabi ni Buraga sa kanyang Facebook post (published as is):

Continue reading below ↓

“My Father is a Policeeee Mannnnn ha!!! I don’t care eh eh eh eh eh err!!! P***ng ina mo gusto mo tapusin na kita ngayon???? Bang Bang Bang Bang..

"Lesson learn kahit puti na ang buhok o ubanin na tayo eh matuto tayo rumispeto sa ating mga kapulisan. Mahirap kalaban ang pagtitimpi at pagpapasensya.

"RIP Nanay and Totoy."


Continue reading below ↓

Hindi napanindigan ni Buraga ang kanyang social media post dahil binura niya ito agad dahil siya ang napagbalingan ng poot ng mga netizens.

Sa panayam ng Radyo Natin Virac, sinabi ni Buraga na walang masamang intensiyon ang kanyang social media post dahil napamura nga raw siya nang mapanood niya ang pamamaril ni Nuezca.

Hindi umano kinakampihan ni Buraga ang kriminal dahil gusto lamang niyang ipahiwatig na dapat na may respeto sa pulis, kahit ang mga matatanda, bilang nawawala na ang respeto ng mga tao sa kapulisan.

Continue reading below ↓

Nabahala naman ang mayor ng Bato, Catanduanes na si Juan Rodulfo sa naging pahayag ni Buraga.

Sa pamamagitan ng isang official statement ay nagpahayag si Rodulfo ng saloobin tungkol sa police chief ng Bato.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:


JINGGOY ESTRADA

Headline na sa mga international news ang pamamaslang na ginawa ni Nuezca kaya kinokondena ng halos buong mundo ang karumal-dumal na krimeng ginawa niya.

Continue reading below ↓

Isa si former Senator Jinggoy Estrada sa mga nagpahayag ng galit nang mapanood niya ang viral video ng pamamaslang.

Aniya, “Nakaka-puta_inamo ‘yung pulis na bumaril sa mag-ina!!! Hayop ka, mabulok ka sana sa kulungan!Taena Mo!”


HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Umaapoy ang galit ng maraming Pilipino dahil sa walang awang pagpatay ng police officer na si Jonel Nuezca sa isang mag-ina sa Paniqui, Tarlac, kahapon, December 20.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results