Jackie Forster, first time makapiling ang mga anak na sina Andre at Kobe ngayong Pasko at Bagong Taon

by Jojo Gabinete
Dec 25, 2020
jackie forster children
Sa Boracay nagdiriwang ng Pasko si Jackie Forster kasama ang kanyang limang anak na sina Andre, Kobe, Jared, Caleigh, at Yohan. Doon din nila sasalubungin ang Bagong Taon.
PHOTO/S: Jackie Forster Instagram

“Lahat talaga, in God’s time at nadadaan sa dasal.”

Ito ang paniniwala ni Jackie Forster dahil sa kanyang mga naranasan noong hindi pa nangyayari ang reconciliation nila ng mga anak niyang sina Andre at Kobe Paras.

Matagal na panahong hindi nakapiling ni Jackie sina Andre at Kobe, kaya ang dumating ang araw na magkasama-sama sila sa Pasko ang walang-sawang dasal niya dahil naniniwala siyang magaganap ito sa panahong itinakda ng Diyos.

Punumpuno ng hamon para sa buong mundo ang 2020 dahil sa coronavirus pandemic.

Pero hinding-hindi malilimutan ni Jackie ang makasaysayang taon dahil sa kauna-unahang pagkakataon, sama-sama sila ng kanyang mga anak na nagdiriwang ng Pasko sa Boracay island.

Magkakasama rin nilang sasalubungin ang pagpasok ng 2021.


Continue reading below ↓

Ngayong umaga, December 25, sinabi ni Jackie sa Cabinet Files ang sobrang kaligayahang nararamdaman dahil kumpleto ang mga anak niya ngayong Pasko.

Pahayag niya, "In God’s time talaga. God is so good," sabi ni Jackie.

Kahit minsan ay hindi nawalan ng pag-asa si Jackie na darating ang araw na makikita niyang maligayang magkakasama ang kanyang mga anak na sina Andre, Kobe, Jared, Caleigh, at Yohan.

Ibinahagi ni Jackie sa Instagram followers nito ang mga larawan nila ng kanyang pamilya na nilagyan niya ng caption na "Finally we are complete."

Nasa Boracay sila mula noong December 22 hanggang sa January 2.

Ayon kay Jackie, sa kabila ng pandemya, ang Pasko ng 2020 ang pinakamasaya para sa kanya dahil kumpleto sila ng mga pinakamamahal niyang anak.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa Boracay nagdiriwang ng Pasko si Jackie Forster kasama ang kanyang limang anak na sina Andre, Kobe, Jared, Caleigh, at Yohan. Doon din nila sasalubungin ang Bagong Taon.
PHOTO/S: Jackie Forster Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results