Lani Misalucha, nawalan ng pandinig dahil sa bacterial meningitis

by Jojo Gabinete
Dec 25, 2020
Sa kauna-unahang pagkakataon, ipagtatapat ni Lani Misalucha sa publiko ang mga pagsubok na pinagdaanan niya nang magkaroon siya ng bacterial meningitis na naging dahilan para mawala ang kanyang pandinig.
PHOTO/S: Lani Misalucha Instagram

Must watch ang Pasko Para sa Lahat, ang Christmas Special ng The Clash, ngayong gabi, 8:30 p.m.

Ito ay dahil sa powerful performances ng past champions na sina Golden Cañedo, at Jeremiah Tiangco, at ang grand champion ng Season 3 ng reality talent competition ng GMA-7 na si Jessica Villarubin.

May special numbers din ang The Clash hosts na sina Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Rita Daniela, at Ken Chan.

Naghanda naman si Ai-Ai delas Alas ng killer performance nito, at hindi dapat palampasin ang mga production number ng kanyang fellow The Clash judges na sina Pops Fernandez at Christian Bautista.

Higit sa lahat, dapat abangan ang muling pagbabalik ni Lani Misalucha na nagbigay ng isang inspiring at emotional performance sa Pasko Para Sa Lahat.

Isa si Lani sa mga original judge ng The Clash, pero napilitan siyang magpaalam sa programa dahil sa pagkakaroon niya ng life-threatening illness.

Sa kauna-unahang pagkakataon, ipagtatapat ni Lani sa publiko ang mga pagsubok na pinagdaanan niya nang magkaroon siya ng bacterial meningitis na naging dahilan para mawala ang kanyang pandinig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


Tiyak na lalong titibay ang pananampalataya sa Panginoon at magbibigay ng inspirasyon sa lahat ang kuwento ng milagro na nangyari kay Lani.

Akmang-akma ito para sa panahon ng Kapaskuhan at maghahatid ng malaking pag-asa sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng banta ng coronavirus pandemic.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa kauna-unahang pagkakataon, ipagtatapat ni Lani Misalucha sa publiko ang mga pagsubok na pinagdaanan niya nang magkaroon siya ng bacterial meningitis na naging dahilan para mawala ang kanyang pandinig.
PHOTO/S: Lani Misalucha Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results