Ang R&B artist na si Daryl Ong ang first-ever Masked Singer Pilipinas grand winner sa final battle night na napanood sa TV5 nitong Sabado, December 26.
Si Daryl ang nasa likod ng maskara ni 2-2-B.
Tinalo niya sina Katrina Velarde, aka Diwata, at Caryln Ocampo na nagtago naman sa maskara ni Pusaway.
Masayang-masaya si Daryl sa kanyang tagumpay.
Kabilang ang mga judge detectives na sina Aga Muhlach, Cristine Reyes, Julia Barretto, Matteo Guidicelli, at Kim Molina sa mga pinasalamatan niya.
Mensahe ni Daryl, "Sobrang halo-halo ang nararamdaman ko ngayon.
"I’m just so happy na nakasali ako sa Masked Singer Pilipinas, and ang dami ko na rin sinalihang competition before and hindi ko alam kailangan ko lang pala mag-mascot para manalo.
"Sobrang grabe, sobrang overwhelming, especially sa ating mga judge detective.
"Sobrang laking bagay po yung mga sinasabi ninyo sa amin, especially na wala kayong idea [kung] sino kami. It’s unbiased.
"Wala kayong mga idea sa mga kumakanta, and it meant a lot sa amin bilang artist, na-boost yung paniniwala ko sa talent ko.
"Maraming-maraming salamat. I feel so blessed."
Napagkamalang si Kris Lawrence si Daryl nang una siyang sumalang sa pilot episode ng Masked Singer Pilipinas noong October 24, 2020.
Si Katrina ang pinakamahigpit na nakalaban ni Daryl sa huling gabi ng musical-mystery competition ng Viva Television at TV5.
Para kay Daryl, si Katrina ang tunay na winner.
Aniya, "Congratulations to all the artists I have been privileged to have shared the stage with, especially sa aking matalik na kaibigan na parang kapatid na, Katrina 'Diwata' Velarde na, honestly, gusto kong ibigay sa kanya ang trophy dahil para sa akin, siya talaga, e!'"
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.