Viva Films, nagbabala sa mga pipirata ng Pakboys: Takusa

by Jojo Gabinete
Dec 27, 2020
Pakboys: Takusa stars (from left) Dennis Padilla, Jerald Napoles, Andrew E., and Janno Gibbs.

Mapangahas ang movie pirates dahil kahit sino at anong edad, may kakayahang illegal na kopyahin ang mga pelikulang kalahok sa 46th Metro Manila Film Festival (MMFF).

Napapanood ang MMFF 2020 entries sa video-on-demand platform na UPSTREAM.ph, gamit ang kanilang mga camera phone.

Ang lantarang pangongopya sa mga pelikula, na isang krimen dahil labag sa batas, ang dahilan kaya naglabas ng babala at paalaala ang Viva Films, producer ng comedy movie na Pakboys: Takusa, isa sa sampung pelikula na kasali sa 46th Metro Manila Film Festival.

Nakasaad dito: "Viva Films does not tolerate online piracy and will monitor, and continuously take down illegal copies and downloads of Pakboys: Takusa.

"Viva will pursue violators to the full extent of the law. Violators may face 9 years of imprisonment and a Php1.5 million penalty."

Nagbabala rin ang UPSTREAM.ph executive na si Dondon Monteverde tungkol sa pamimirata sa mga MMFF movies.

Sa panayam sa kanya ni Mario Dumaual ng ABS-CBN News, tiniyak ni Monteverde na hahabulin ng batas ang mga dapat managot at walang takot na ikinakalat ang mga ilegal na kopya ng mga pelikula ng MMFF.

Continue reading below ↓

“We are all working on the prosecution of the illegal copying of the entries with the producers and their lawyers, the NBI and the Intellectual Property Commission [IPC],” ani Monteverde.

Hiningi ni Monteverde ang suporta at tulong ng mga kapwa niya movie producers na higit may karapatang magsampa ng reklamo laban sa mga movie pirate.

"Since Christmas Day, the start of the filmfest showing, we have been working double time to identify the suspects.

"But right now, kailangan naming tulungan mga producer, kailangan kaming magtulung-tulungan para matigil ito," pahayag niya.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pakboys: Takusa stars (from left) Dennis Padilla, Jerald Napoles, Andrew E., and Janno Gibbs.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results