Ang virtual float ng Magikland ang itinanghal na Best Float ng 46th Metro Manila Film Festival.
Second placer ang virtual float ng Isa Pang Bahaghari at third runner-up ang virtual float ng Fan Girl.
One hundred thousand pesos ang premyong matatanggap ng Magikland; P50,000 ang Isa Pang Bahaghari; at P25,000 ang cash prize ng Fan Girl.
Ang Best Float ang unang parangal na ipinagkaloob sa virtual Gabi ng Parangal ng 46th Metro Manila Film Festival.
Ang bilang ng likes ng mga virtual float sa official Facebook page ng Metro Manila Development Authority ang ginamit na basehan ng mga nagwagi.
Ang Globe Blue Carpet Exclusive emcees na sina Giselle Sanchez at Chad Kinis ang nag-announce ng winners sa Best Float category ng 46th MMFF.
Sila rin ang nag-interbyu sa mga artistang may pelikula na kalahok sa annual film festival—si Paulo Avelino, ang lead actor ng Fangirl; ang Isa Pang Bahaghari producer na si Harlene Bautista; at ang mga artista ng filmfest entry niyang sina Zanjoe Marudo at Michael de Mesa; ang Suarez: The Healing Priest star na si John Arcilla; at si Quezon City District V House Representative Alfred Vargas, ang bida ng Tagpuan.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika