Paulo Avelino, inalay ang best actor award sa anak na si Aki

by Jojo Gabinete
Dec 27, 2020
Wagi ang Fan Girl stars na sina Paulo Avelino at Charlie Dizon bilang best actor at best actress, respectively, sa Gabi ng Parangal ng 46th Metro Manila Film Festival.

Hindi lumampas ng dalawang oras ang Gabi ng Parangal ng 46th Metro Manila Film Festival (MMFF) dahil mabilis ang pamamahagi ng parangal sa mga karapat-dapat manalo.

Walang pwedeng kumuwestiyon sa MMFF best actor trophy ni Paulo Avelino dahil talagang mahusay ang pagganap nito sa Fan Girl.

Pero lumitaw ang pagiging ama ng aktor nang ialay niya sa kanyang anak na si Aki ang acting award na napanalunan.

Si Aki ang 10-year-old son ni Paulo sa dati niyang girlfriend na si LJ Reyes.

Best actress winner si Charlie Dizon, ang lead actress ng Fan Girl na nakatitiyak na magiging maganda ang takbo ng kanyang acting career sa 2021.

Tinalo ni Charlie sa best actress category ng 46th MMFF ang mga seasoned actress na sina Nora Aunor (Isa Pang Bahaghari), Sylvia Sanchez (Coming Home), at Iza Calzado (Tagpuan).

Naghakot ng major awards ang Fan Girl dahil ito rin ang hinirang na best picture, at nagbigay ng best director at best screenplay awards kay Antoinette Jadaone.

Continue reading below ↓

Ang Fan Girl din ang nangunguna sa ticket sales ng UPSTREAM.ph, kahit biktima ng piracy ang pelikula.

Best supporting actor winner si Michael de Mesa para sa gay role niya sa Isa Pang Bahaghari.

Ipinakita ni Michael ang natural generosity dahil ibinahagi nito ang kanyang tagumpay kay Zanjoe Marudo, ang co-star niya sa Isa Pang Bahaghari na nominado rin para sa naturang kategorya.

Si Alfred Vargas ang bidang lalake sa Tagpuan, pero hindi siya nominado sa best actor category.

Parang nanalo rin si Alfred ng award dahil nagwaging best supporting actress ang kanyang Tagpuan co-star na si Shaina Magdayao at itinanghal na 3rd best picture ang kanilang pelikula.

Si Alfred ang tumanggap ng award ni Shaina dahil hindi nakadalo ang aktres sa virtual awards ceremony.

Ang movie outfit ni Alfred na Alternative Vision Cinema ang producer ng Tagpuan kaya doble ang kaligayahang nararamdaman niya, kahit hindi masyadong naintindihan ang kanyang acceptance speech dahil sa poor Internet connection.

Continue reading below ↓

FIRST MANAY ICHU VERA PEREZ MACEDA MEMORIAL AWARD

Ang veteran actress na si Gloria Romero ang recipient ng 1st Manay Ichu Vera Perez Maceda Memorial Award dahil sa kanyang mga kontribusyon sa industriya ng pelikulang Pilipino.

Ipinangalanan ng Metro Manila Film Festival Executive Committee kay Manay Ichu, na pumanaw noong September 7, 2020, ang nasabing parangal.

Ito ay bilang pagpupugay sa kanya, pagkilala sa mga naitulong niya sa Philippine movie industry, at sa mga mangggawa nito.

Ang anak ni Gloria na si Maritess Gutierrez ang tumanggap ng award na ipinagkaloob sa kanya ng MMFF Executive Committee.

"I would like to accept this award on behalf of my mother Gloria Romero for the 1st Manay Ichu Lifetime Achievement Award.

"My mom is very grateful to the Vera Perezes. Without them, she will not be able to fulfill her childhood dream which is acting.

"To the MMFF, maraming salamat po. To God be the glory," pahayag ni Maritess.

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Wagi ang Fan Girl stars na sina Paulo Avelino at Charlie Dizon bilang best actor at best actress, respectively, sa Gabi ng Parangal ng 46th Metro Manila Film Festival.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results