Metro Manila, nasa GCQ pa rin hanggang January 31, 2021; pagbibigay ng COVID-19 vaccine sa PSG, pinalagan

by Jojo Gabinete
Dec 29, 2020
Ipinaliwanag ni PSG commander Brigadier General Jesus Durante na bilang pangunahing unit ng AFP na nagpoprotekta kay Pangulong Rodrigo Duterte (nasa larawan), kailangan nilang siguraduhing hindi sila magiging banta sa kalusugan at seguridad ng Pangulo ngayong mayroong "state of war" laban sa COVID-19.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

Walang pagbabagong mangyayari sa National Capital Region (NCR) sa pagpasok ng 2021 dahil extended hanggang January 31, 2021 ang General Community Quarantine (GCQ).

Bukod sa Metro Manila, mananatili sa ilalim ng GCQ ang mga lalawigang Batangas, Iloilo, Tacloban, Lanao del Sur, Iligan, Davao City, Davao del Norte, at Santiago City dahil sa mataas na kaso ng COVID-19.

Pinaiiral naman na ang Modified Community Quarantine (MCQ) sa halos kabuuan ng bansa.

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang desisyong palawigin pa ang GCQ sa Metro Manila at sa ibang mga lugar sa televised public address niya kagabi, December 28, 2020.

Samantala, kinokondena at ipinoprotesta ng publiko at ng iba’t ibang mga organisasyon ang balita tungkol sa diumano’y pagbibigay ng COVID-19 vaccine sa mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG) at sa ilang miyembro ng gabinete ni Duterte.

Para sa kanila, ang frontliners na nangangalaga sa kalusugan ng lahat ang unang dapat makatanggap ng bakuna laban sa coronavirus.

Continue reading below ↓

Inilabas ng GMA News nitong Lunes ng gabi ang opisyal na pahayag ni PSG commander Brigadier General Jesus Durante tungkol sa COVID-19 vaccination sa close-in security ni Duterte.

Aniya, "We are in a state of war, a war against COVID 19. War compels us to survive as what we are now doing in this pandemic.

"PSG is the primary unit of the [Armed Forces of the Philippines] that is mandated to protect the nation's highest leader.

"With the current pandemic, PSG needs to ensure that they are not themselves threat to the President's health and safety."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ipinaliwanag ni PSG commander Brigadier General Jesus Durante na bilang pangunahing unit ng AFP na nagpoprotekta kay Pangulong Rodrigo Duterte (nasa larawan), kailangan nilang siguraduhing hindi sila magiging banta sa kalusugan at seguridad ng Pangulo ngayong mayroong "state of war" laban sa COVID-19.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results