Role ni Paulo Avelino sa Fan Girl, unang inalok kay James Reid

by Jojo Gabinete
Dec 29, 2020
Kung tinanggap ni James Reid (kaliwa) ang Fan Girl noong 2018, siya rin kaya ang mananalong best actor katulad ng nangyari kay Paulo Avelino (kanan)?
PHOTO/S: Instagram / Facebook

Unang inalok kay James Reid ang lead role sa Fan Girl noong 2018, pero hindi niya tinanggap.

Eventually, napasakamay ni Paulo Avelino ang papel na nagbigay sa kanya ng best actor trophy mula sa 46th Metro Manila Film Festival.

Itinanghal ding best picture ang Fan Girl, best director si Antoinette Jadaone, at best actress si Charlie Dizon.

What if tinanggap ni James ang Fan Girl? Siya rin kaya ang mananalong best actor at magiging maganda uli ang takbo ng kanyang career sa 2021?

Naging matamlay ang showbiz career ni James nitong 2020 dahil bukod sa split up nila ni Nadine Lustre, hindi natuloy ang kanyang mga project na naapektuhan ng coronavirus pandemic.

Si James ang unang nagpaalam sa kanyang home studio, ang Viva Artists Agency (VAA), noong October 2019.

Hindi na ni-renew ng VAA ang kontrata ni James dahil sa kagustuhan nitong mag-concentrate na lang sa kanyang singing career.

Hindi nagkakalayo ang kapalaran nina James at Nadine.

Continue reading below ↓

Si Nadine ang original choice para gumanap na anak ni Aga Muhlach sa Philippine adaptation ng Miracle in Cell No.7. Pero nag-back out siya kaya si Bela Padilla ang ipinalit sa kanya.

Marami ang nanghinayang nang mawala si Nadine sa cast ng Miracle in Cell No.7 dahil ito ang topgrosser sa 45th Metro Manila Film Festival noong 2019 kaya nawalan siya ng pagkakataong magkaroon ng isang super blockbuster movie.

Sinubukan din ni Nadine na umalis sa VAA noong January 2020.

Pero hindi pa tapos ang kanyang kontratang may bisa hanggang June 2029, kaya sinampahan siya ng kaso ng VAA noong December 11, 2020 dahil sa paglabag niya sa kanilang kasunduan.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kung tinanggap ni James Reid (kaliwa) ang Fan Girl noong 2018, siya rin kaya ang mananalong best actor katulad ng nangyari kay Paulo Avelino (kanan)?
PHOTO/S: Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results