Watch Now

Janine Gutierrez, bagay gumanap bilang Valentina sa Darna ng ABS-CBN

by Jojo Gabinete
Dec 29, 2020
PHOTO/S: Shaira Luna for PEP.ph

Si Denise Laurel ang napababalitang napipisil para gumanap na Valentina sa Darna TV series ng ABS-CBN na pagbibidahan ni Jane de Leon.

Pero lumilitaw rin ang pangalan ni Ivana Alawi at ni Janine Gutierrez, na nakatakdang lumipat sa Kapamilya Network sa ikalawang linggo ng January 2021.

Taglay ni Janine ang mga katangian para gumanap na Valentina, kung tatanggapin niya ang alok na gampanan ang karakter na kalaban at kontrabida ni Darna.

Una, naranasan na ni Janine gumanap bilang babaeng dragon sa Dragon Lady, ang afternoon fantasy-drama series ng GMA-7 na napanood mula March 7, 2019 hanggang July 20, 2019.

Kung ikukumpara sa karakter ni Valentina na mga ahas lamang ang nagsilbi na buhok, mas mahirap ang role ni Janine bilang babaeng dragon dahil sa prosthetics na ginamit niya sa Dragon Lady.

Pangalawa, gumanap na Valentina ang lola ni Janine na si Pilita Corrales sa pelikulang Darna: Ang Pagbabalik.

Parang mamanahin lang ni Janine ang karakter na binigyang-buhay ng kanyang Mamita Pilita sa Darna movie ng Viva Films na pinagbidahan ni Anjanette Abayari noong 1994.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At press time, hindi pa naglalabas ng detalye ang ABS-CBN tungkol sa magiging direktor ng Darna at kung kailan uumpisahan ang taping ng overdue project dahil abala pa si Jane sa trabaho nito sa Ang Probinsyano.

Hindi pa rin sinasabi ng ABS-CBN ang complete cast ng Darna, pero gusto ng network executives na iba ang mga artista ng TV series sa original stars ng hindi natuloy na movie version.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Shaira Luna for PEP.ph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results