Sharon, Regine, Martin, Gary tampok sa isang New Year's Eve benefit concert

by Jojo Gabinete
Dec 31, 2020
Sharon Cuneta, Regine Velasquez, Martin Nievera, Gary Valenciano, at ibang music icons magsasanib-puwersa para sa benefit concert ng Gabay Guro at PLDT-Smart Foundation para sa mga guro at estudyante na biktima ng Typhoons Rolly at Ulysses.
PHOTO/S: @reallysharoncuneta / @reginevalcasid / @martinnievera / @garyvalenciano Instagram

Star-studded ang mga performer sa Himig ng Pasko at Pag-asa, ang online New Year benefit concert ng Gabay Guro at PLDT-Smart Foundation para sa mga guro at estudyanteng biktima ng Typhoons Rolly at Ulysses.

Pangungunahan ito nina Sharon Cuneta, Gary Valenciano, Regine Velasquez, Martin Nievera, Kuh Ledesma, Basil Valdez, Maestro Ryan Cayabyab, Randy Santiago, at Vina Morales.

Kasama rin sina Joey Albert, Mark Bautista, Erik Santos, Christian Bautista, Morissette, Jona, Sam Concepcion, The Company, Klarisse, Aicelle Santos, Kiana Valenciano, at Paolo Valenciano.

Gayundin sina Gab Valenciano, Angeli Pangilinan-Valenciano, The Ryan Cayabyab Singers, Jessica Sanchez, Christine Allado, Ito Rapadas, Jeremy Glinoga, at ang The A-Team Dancers.

Sina RJ Dela Fuente at Pops Fernandez ang mga host ng Himig ng Pasko at Pag-asa na mapapanood sa December 31, 8 p.m. sa Facebook page ng Department of Education, YouTube Channel, at Facebook page ng Gabay Guro.

Continue reading below ↓

BENEFIT CONCERT FOR GABAY GURO

Layunin ng benefit concert na makapagbigay ng pag-asa sa bawat puso ng Pilipino sa 2021, sa kabila ng mga pagsubok na hatid ng 2020.

"In these challenging times, we must be able to rely on each other for support.

Buo ang suporta ni PLDT Chairman Manny V. Pangilinan sa Himig ng Pasko at Pag-asa.

Pahayag niya: "We are privileged for the opportunity to be of help to our brothers and sisters through this Gabay Guro activity."

Tiniyak naman ni Gabay Guro Chair Chaye Cabal-Revilla na makakaasa ng tulong mula sa kanilang organisasyon ang mga guro at estudyante na labis na naapektuhan ng mga mapanalanta na kalamidad.

"For as long as we can as much as we can, Gabay Guro will be here to share whatever we can to help lighten the burden of our kababayans, especially the teachers and the students who were adversely affected.

Continue reading below ↓

"We want to help and we will help," ani Revilla.

Para sa mga nais na tumulong, maaaring magbigay ng donasyon sa pamamagitan ng pagdedeposito sa mga sumusunod na bank accounts.

For Metro Pacific Investments Foundation, Inc.:

1. BDO (001688020944)

2. BPI (003561030153)

3. Unionbank (000320022766)

For PLDT-Smart Foundation Inc.

1. BDO Peso Account (005310151681)

2. BDO Unibank Dollar Account (105310164708) with address at GV Locsin Bldg., Makati Ave., Makati City with Swift Code BNORPHMM.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharon Cuneta, Regine Velasquez, Martin Nievera, Gary Valenciano, at ibang music icons magsasanib-puwersa para sa benefit concert ng Gabay Guro at PLDT-Smart Foundation para sa mga guro at estudyante na biktima ng Typhoons Rolly at Ulysses.
PHOTO/S: @reallysharoncuneta / @reginevalcasid / @martinnievera / @garyvalenciano Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results