James Reid at Nadine Lustre, kumpirmadong nagkabalikan; nagsasama ulit sa bahay ni James?

by Jojo Gabinete
Jan 1, 2021
James Reid Nadine Lustre reconciliation
Kinumpirma ng ilang malalapit na kaibigan nina James Reid at Nadine Lustre na nagkabalikan na ang dalawa ngayong panahon ng pandemya.
PHOTO/S: Mark Atienza

Eksaktong isang taon na ngayon ang nakalilipas nang ibalita ng Philippine Entertainment Portal) ang paghihiwalay nina Nadine Lustre at James Reid.

Pero hindi ito matanggap ng kanilang mga masugid na tagahanga na hindi makapaniwalang nabuwag na ang love team na sinusuportahan at minamahal nila.

May mga naniwalang fake news ang JaDine breakup. Pero sa pamamagitan ng isang official statement na binasa ni Boy Abunda sa show nitong Tonight With Boy Abunda noong January 20, 2020, kinumpirma nina James at Nadine na hiwalay na sila.

"It's true that we have split up but not for all the reasons that are being spread on the tabloids and social media but because after quiet and mature conversations, we decided to focus on ourselves not only for our careers but more for our personal growth as we are still young and we want to achieve as much as we can,” bahagi ng joint statement nina Nadine at James na nagdulot ng labis na kalungkutan sa kanilang loyal fans.

Continue reading below ↓

Ngayong 2021, may dapat ipagbunyi ang die-hard supporters ng JaDine dahil kinumpirma ng mga malalapit sa kanila na nagkabalikan sila sa panahon ng coronavirus pandemic.

Ayon pa sa mga ito, magkasama ang dalawa sa bahay ni James sa isang exclusive subdivision sa Quezon City.

Mismong si James ang nag-post sa Instagram account nito noong February 2020 na ipinagbibili niya ang bahay na naging saksi sa pagmamahalan nila ni Nadine.

Pinatotohanan ng isang source ng Cabinet Files na hindi natuloy ang pagbebenta ni James sa Quezon City lovenest nila ni Nadine.

Tiyak na ikatutuwa ng JaDine fans ang positive news tungkol sa reconciliation ng kanilang mga idolo.

Pero hindi ito nangangahulugang muling mapapanood ang dalawa sa isang proyekto sa lalong madaling panahon dahil sa kasong isinampa ng Viva Artists Agency (VAA) laban kay Nadine.

Ang paglabag ni Nadine sa kontrata ng kasunduan nila ng VAA ang dahilan kaya natatakot ang ibang mga producers at advertisers na kunin ang serbisyo niya.

Continue reading below ↓

Ang mga nawalang project at nabawasang exposure sa pelikula at telebisyon noong 2020 ang nagbigay kay Nadine ng pangamba kaya nasabi niyang baka laos na siya.

Sinabi naman ng legal counsel ni Nadine na si Atty. Lorna Kapunan na “oppressive” ang kontrata ng kanyang kliyente sa VAA at mapatutunayan nila ito sa korte.

Sa kabilang banda, sina Anne Curtis at Sarah Geronimo ang mga living proof na hindi mapang-api ang kontrata ng talent management agency ng Viva Communications Inc.

Twelve years old si Anne nang maging contract star ng VAA noong 1997.

Samantala, 14 years old si Sarah nang pumirma ng kontrata sa VAA.

Hanggang ngayon, nananatiling matapat ang dalawa sa kanilang mother studio na nagbigay sa kanila ng malaking break sa entertainment industry hanggang magkaroon sila ng superstar status sa Philippine showbiz.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kinumpirma ng ilang malalapit na kaibigan nina James Reid at Nadine Lustre na nagkabalikan na ang dalawa ngayong panahon ng pandemya.
PHOTO/S: Mark Atienza
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results