Jimmy Borja may rebelasyon tungkol sa "Bukas Na Lang Kita Mamahalin" ni Lani Misalucha

by Jojo Gabinete
Jan 3, 2021
Lani Misalucha in yellow dress. Jimmy Borja mid-shot.
Hindi si Lani Misalucha ang unang umawit ng "Bukas Na Lang Kita Mamahalin," ayon sa kompositor nitong si Jimmy Borja.
PHOTO/S: (Lani) @lanimisalucha Instagram / (Jimmy) Courtesy of Jimmy Borja

Ang veteran at award-winning songwriter/ musician na si Jimmy Borja ang isa sa mga nalungkot nang malaman niyang nabingi ang kanang tenga ni Lani Misalucha.

Nabingi si Lani nang magkaroon ito ng bacterial meningitis noong October 2020.

Ayon sa healthline.com, ang bacterial meningitis ay ang pamamaga ng meninges o membranes na nakabalot sa utak at spinal cord dahil sa bacteria na nasagap ng taong nagkaroon nito.

Hindi lamang si Lani ang tinamaan ng bacterial meningitis, dahil dinapuan at nabingi rin nito ang kanyang asawa na si Noli na nagpapagaling mula sa heart by-pass operation noong August 2020.

“Praying and wishing for her full recovery,” ang sabi ni Jimmy na composer ng "Bukas Na Lang Kita Mamahalin," isa sa mga hit song ni Lani noong dekada ’90.

Si Jimmy rin ang composer ng "Sana Ngayong Pasko," ang classic OPM Christmas song na pinasikat ni Ariel Rivera noong 1993.

Sa panayam ng Cabinet Files kay Borja noong December 11, 2020, ikinuwento niya na ang kanyang childhood crush ang inspirasyon ng "Sana Ngayong Pasko."

"'Sana Ngayong Pasko' was inspired by a childhood crush of mine, first love kumbaga. She’s the girl who stole my heart since Grade 1 pa.

"I saw her again in 1992 after not seeing each other since 1978 when we were both barely teenagers.

"In '92, she was vacationing in our home province of Bohol from the States, but by then she was already with her fiancé and soon-to-be husband.”

Sa muling pakikipag-usap ng Cabinet Files kay Borja noong January 2, 2020, ipinagtapat niya na ang kanyang childhood crush din ang inspirasyon ng "Bukas Na Lang Kita Mamahalin" at si Jude Michael, hindi si Lani, ang original singer ng popular na kanta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“'Bukas Na Lang Kita Mamahalin' and 'Sana Ngayong Pasko' were both inspired by the same girl.

“I wrote 'Bukas Na Lang Kita Mamahalin' for my friend Jude Michael produced by Ben Escasa. It was part of his album but not a single.

“And a few years later, Ben produced it for Lani who made it a hit," ang rebelasyon ni Borja.

Mahigit sa dalawang daan na ang bilang ng mga song composition ni Borja para kina Lani, Sarah Geronimo, Regine Velasquez, Ariel Rivera, Sharon Cuneta, Alden Richards, Piolo Pascual, Mark Bautista, Lea Salonga , Martin Nievera, Jolina Magdangal, Pops Fernandez, at marami pang iba.

Matagal nang US-based si Borja pero patuloy siya sa pagtuturo ng songwriting online.

At para sa mga interesado, maaaring makipag-ugnayan sa kanya sa email address niya na writeaprettysong@yahoo.com.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi si Lani Misalucha ang unang umawit ng "Bukas Na Lang Kita Mamahalin," ayon sa kompositor nitong si Jimmy Borja.
PHOTO/S: (Lani) @lanimisalucha Instagram / (Jimmy) Courtesy of Jimmy Borja
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results