Magpakailanman, walang planong isadula ang buhay ni Christine Dacera

by Jojo Gabinete
Jan 8, 2021
Naging national issue na ang pagkamatay ng 23-year-old flight attendant na si Christine Dacera dahil nakisali sa usapin ang mga pulitiko, alagad ng batas, at ang netizens.
PHOTO/S: Christine Dacera Instagram

Mabibigo ang mga nag-iisip na baka isadula ng Magpakailanman ng GMA-7 ang kontrobersiyal na kuwento ng pagpanaw ng 23-year-old flight attendant na si Christine Dacera.

Isang reliable source ang nagsabing walang plano ang TV drama anthology na isalin sa telebisyon ang life story ni Christine.

Nagkaroon ng haka-haka ang mga taong may television at movie producer na magkakaroon ng interes sa life story ni Christine dahil ito ang mainit na isyu mula nang pumasok ang 2021.

Hindi natin masisisi ang ilan sa ating mga kababayan sa pagkakaroon ng ganoong mentalidad dahil nasanay na silang ginagawang pelikula o episode sa mga drama anthology ang mga kaso ng karumal-dumal na krimen.

Halimbawa nito ay ang massacre films na pinauso ng direktor na si Carlo J. Caparas noong dekada nobenta.

Kabilang dito ang The Vizconde Massacre: God Help Us!; The Myrna Diones Story: Lord Have Mercy on Us; Humanda Ka Mayor! Bahala Na ang Diyos; The Cecilia Masagca Story: Antipolo Massacre - Jesus Save Us!; Lipa “Arandia” Massacre: Lord Deliver Us from Evil; Victim No. 1 Delia Maga: Jesus, Pray for Us (A Massacre in Singapore); at The Lilian Velez Story: Till Death Do Us Part.

Continue reading below ↓

Pati na ang rape-victim stories nina Maggie Dela Riva (The Maggie Dela Riva Story:Why Me?), Annabelle Huggins (Annabelle Huggins Story, Ruben Ablaza Tragedy: Mea Culpa), The Marita Gonzaga Rape-Slay: In God We Trust, at ang pinakahuli, ang 2018 controversial movie na Jacqueline Comes Home na tungkol sa rape-slay ng magkapatid na Jacqueline at Marijoy Chiong ng Cebu City.

Hindi nalalayo sa mga nabanggit na pelikula ang kaso at kuwento ng pagkamatay ni Christine.

Bukod sa naging national issue ito, nakisali sa usapin ang mga pulitiko, alagad ng batas, at ang netizens na sulit na sulit ang paggamit sa lahat ng social media platforms para sa kanilang mga opinyon at sariling imbestigasyon.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naging national issue na ang pagkamatay ng 23-year-old flight attendant na si Christine Dacera dahil nakisali sa usapin ang mga pulitiko, alagad ng batas, at ang netizens.
PHOTO/S: Christine Dacera Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results