Gay respondents sa Christine Dacera case, "tsinika" ang kanilang nalalaman tungkol sa insidente

by Jojo Gabinete
Jan 8, 2021
Lumantad na sa publiko ang ilan sa respondents sa kasong isinampa kaugnay ng kontrobersiyal na kamatayan ng flight attendant na si Christine Dacera (kanang larawan). Kabilang sa mga ito sina (clockwise, kaliwa) Rommel Galido, Valentine Rosales, Carl Rapinan, at Gigo de Guzman.
PHOTO/S: Screen grab from GMA-7 / ABS-CBN / Instagram

Suportado ng LGBTQ community ang laban ng labing-isang kalalakihang isinasangkot sa pagkamatay ng 23-year-old flight attendant na si Christine Dacera.

Ang veteran singer na si Claire dela Fuente ang isa sa mga nagpasalamat sa suporta ng LGBTQ community sa kanyang anak na si Gigo de Guzman.

Si Gigo, na aminadong gay, ay nadamay sa imbestigasyon sa pagpanaw ni Dacera noong January 1, 2021 sa Room 2209 ng City Garden Grand Hotel sa Makati City.

Sa exclusive interview sa kanya ni Mario Dumaual ng ABS-CBN News, ipinarating ni Claire sa LGBTQ community ang kanyang labis na pasasalamat.

Pahayag ng singer, "Nagpapasalamat ako sa overwhelming support ng LGBT sa paniniwala nilang unfair ang nangyayari at nagiging gender issue ito.

"Sana maging vigilant pa din tayo dahil nag-uumpisa pa lang ito.

"Sana lumawak pa ang suporta dahil walang masyadong kaya ang mga batang ito. Humihingi pa sila ng tulong at fundraising para sa litigation."

Continue reading below ↓

Mula nang ipag-utos ng Makati City Prosecutor's Office na palayain ng Makati City Police mula sa kulungan ang tatlong respondents na pawang mga kaibigan ni Dacera, kaliwa’t kanan ang kanilang pagpapainterbyu sa media.

Ito ang naisip na solusyon nina Rommel Galido, JP Dela Serna, at Clark Rapinan laban sa trial by publicity na nararanasan at pinagdurusahan.

Sa kanilang pagsasanib-puwersa, kasama ang isa pang respondent na si Valentine Rosales, ipinakita ng mga bading ang kanilang katapangan.

Ngunit sa halip na gumamit ng karahasan, "tsinika" nila ang lahat ng kanilang nalalaman, kahit nangangahulugan ito ng kasiraan ni Dacera, dahil sa matibay na paniniwala nilang “the truth shall set them free.”

Dahil dati nang mainit ang mga mata ng ilang LGBTQ community members kay PNP Police General Debold Sinas buhat nang masangkot ito sa “Mañanita” noong May 2020, ginagawan nila ng isyu ang pagkikita nila ni Sharon Dacera, ang ina ni Christine, sa isang press briefing sa San Juan City noong January 6.

Continue reading below ↓

“Hindi nag-practice ng social distancing” ang sumbat nila kay Sinas dahil hinayaan nitong yakapin siya ng ginang sa kabila ng mahigpit na paalaala ng Inter-Task Force for the Management of Infectious Diseases (IATF) na dapat pairalin ang social distancing para makaiwas sa banta ng coronavirus pandemic.

Ang pagsasanib-puwersa, paghihimagsik, pagtatanggol, at katapangan na ipinamamalas ng LGBTQ community laban sa mga umaapi sa kanila at sa mga taong ginagawa silang katatawanan ang matibay na pruwebang hindi dapat ipagsawalang-bahala o maliitin ang kapangyarihan na taglay nila sa pamamagitan lamang ng harmless na “pagtsika.”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lumantad na sa publiko ang ilan sa respondents sa kasong isinampa kaugnay ng kontrobersiyal na kamatayan ng flight attendant na si Christine Dacera (kanang larawan). Kabilang sa mga ito sina (clockwise, kaliwa) Rommel Galido, Valentine Rosales, Carl Rapinan, at Gigo de Guzman.
PHOTO/S: Screen grab from GMA-7 / ABS-CBN / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results