Netizens pinuna ang special treatment ng PNP sa labi ni Christine Dacera

by Jojo Gabinete
Jan 10, 2021
May mga netizens na nagtaka kung bakit uniformed men ang naging pallbearers sa burial ni Christine Dacera kaninang umaga, January 10, 2020.
PHOTO/S: @xtinedacera on Instagram; Screengrab from TV5

Halos nakatutok ang atensiyon ng publiko sa kontrobersiyal na pagkamatay ng 23-year-old flight attendant na si Christine Dacera noong January 1, 2021.

Tuloy, hindi gaanong napagtutuunan ng pansin ang mga reklamo tungkol sa mataas na singil ng Grab sa pamasahe at ang deferment order ni President Rodrigo Duterte sa pagtataas ng kontribusyon sa PhilHealth. Para hindi kayo magulat, fyi—may tauhan ng payment center sa isang mall na ipinatutupad na ang bagong premium rate. Base ito sa personal na karanasan ng writer na ito.

At dahil tutok na tutok ang tax-paying Filipino citizens sa mala-teleserye na kuwento ng misteryosong pagpanaw ni Christine, hindi nakaligtas sa kanilang matalas na paningin ang partisipasyon ng uniformed men sa libing ng dalaga nitong Linggo ng umaga, January 10, sa Forest Lake Memorial Park sa General Santos City.

May mga nagulat at naghahanap ng kasagutan sa pagiging pallbearers ng uniformed men.

facebook comment: netizens question on the special treatment given by pnp

Continue reading below ↓

facebook comment: netizens question on the special treatment given by pnp in dacera burial

facebook comment: netizens call pnp special treatment to dacera burial unnecessary

Continue reading below ↓

Napag-alamang marine reservist ang ina ni Christine na si Sharon Dacera, pero para sa mga kritiko, hindi ito sapat na dahilan para maging bahagi ng paglilibing sa dalaga ang uniformed men.

Hindi ito ang unang pagkakataon na inalmahan ng publiko ang diumano’y special treatment ng Philippine National Police sa pamilya Dacera dahil pinuna rin nila ang mahigpit na seguridad na ibinigay ng mga pulis nang iuwi sa General Santos City mula sa Metro Manila noong January 7 ang bangkay ni Christine.

Sa report ng mga miyembro ng media na hindi pinayagang makalapit sa pamilya ni Christine, ang elite Special Weapons and Tactics team ng Philippine National Police at isang police patrol car ang mga escort nang dalhin ang bangkay ni Christine sa St. Peter Chapels, Barangay Apopong National Highway, General Santos City.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
May mga netizens na nagtaka kung bakit uniformed men ang naging pallbearers sa burial ni Christine Dacera kaninang umaga, January 10, 2020.
PHOTO/S: @xtinedacera on Instagram; Screengrab from TV5
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results