Royette Padilla, pribadong ipinagluluksa ng kanyang pamilya

by Jojo Gabinete
Jan 11, 2021
Kuha ang larawang ito sa pribadong wake ng yumaong dating aktor na si Royette Padilla. Pumanaw si Royette noong Sabado, January 9, sa edad na 58.

Isang pribadong pagluluksa para sa biglaang pagpanaw ng former actor na si Royette Padilla ang isinasagawa ng kanyang pamilya.

Sumakabilang-buhay si Royette noong Sabado, January 9, sa edad na 58.

At press time, hindi pa naglalabas ng opisyal na pahayag ang Padilla family tungkol sa sanhi ng pagpanaw ni Royette.

Pero nakasaad sa death certificate ni Royette na "cardiac dysrhythmia" ang dahilan.

Sinubukan ni Royette na mag-artista noong dekada ’90. Napanood siya sa mga pelikulang pinagbidahan ng kanyang kapatid na si Robin—ang Mistah, Di Na Natuto, at Bilib Ako Sa 'Yo.

Naulila ni Royette ang kanyang limang anak na sina Nico, Kevin, Isabela, Bettina, at Roy III.

Nakatakda ang libing ni Royette sa darating na Huwebes, January 14.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Read More Stories About
Royette Padilla, hardcore fans
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kuha ang larawang ito sa pribadong wake ng yumaong dating aktor na si Royette Padilla. Pumanaw si Royette noong Sabado, January 9, sa edad na 58.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results