Matteo Guidicelli, payag kaya mag-showbiz ang magiging anak nila ni Sarah Geronimo?

by Jojo Gabinete
Jan 12, 2021
Matteo Guidicelli on Born To Be A Star: "This show is really really exciting because, first off, you have Kim Molina. She’s a very, very funny, energetic host. And of course, we have these star agents na tinatawag namin.They have their own specific personalities that will shock all our 'talaviewers.'"
PHOTO/S: Facebook

Natawa pero game na sinagot ni Matteo Guidicelli ang mga tanong tungkol sa future baby nila ni Sarah Geronimo sa virtual presscon ng Born To Be A Star na nangyari nitong Martes ng hapon, January 12, 2021.

Ang Born To Be A Star ang singing talent-reality competition ng Viva TV at TV5 na magbabalik-telebisyon simula sa January 30, 2021.

Si Matteo ang co-host ni Kim Molina sa programa.

May nagtanong kay Matteo kung naniniwala ba siyang "born to be a star" ang magiging panganay nila ni Sarah?

Sagot niya, "Tingnan natin, si Teacher Georcelle ang bahalang mag-groom diyan kumbaga. Pasalihin din natin sa show na 'to ha, Sir Jake?"

Si Teacher Georcelle Sy ang isa sa mga star agent o judge, at si Jay ("Jake") Montelibano naman ay executive ng Viva TV.

Nang tanungin kung papayagan niyang umasok sa showbiz ang magiging anak nila ni Sarah, positive din ang sagot ni Matteo.

Continue reading below ↓

Aniya, “Siyempre, kung anuman ang gustong gawin ng baby namin in the future, e, di suportahan natin, di ba?”

Ang Born To Be A Star ang unang TV project ni Matteo para sa 2021 at ayon sa kanya, kapana-panabik ang show nila.

"This show is really really exciting because, first off, you have Kim Molina. She’s a very, very funny, energetic host.

"And of course, we have these star agents na tinatawag namin.They have their own specific personalities that will shock all our 'talaviewers.'

"And also our applicants [the contestants], they’re very, very good and they come from different backgrounds na siguradong mag-e-enjoy ang talaviewers nating lahat."

Sina Andrew E., Jenine Teñoso, Sam Concepcion, Katrina Velarde, at Teacher Georcelle ang mga star agent ng Born To Be A Star.

Isang milyong piso, recording at management contract ang ilan sa mga malalaking premyo na matatanggap ng pipiliin nilagng rand champion ng Born To Be A Star.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matteo Guidicelli on Born To Be A Star: "This show is really really exciting because, first off, you have Kim Molina. She’s a very, very funny, energetic host. And of course, we have these star agents na tinatawag namin.They have their own specific personalities that will shock all our 'talaviewers.'"
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results