Pagbawi ni JP dela Serna sa kanyang testimonya, paano makakaapekto sa Christine Dacera case?

by Jojo Gabinete
Jan 13, 2021
Ayon kay JP dela Serna (kaliwa), nakaranas umano sila ng pressure at torture kaya napilitan siyang sabihing may "powder drugs" sa dinaluhan niyang New Year's eve party kasama ang flight attendant na si Christine Dacera (kanan).
PHOTO/S: Screen grab from YouTube / Instagram

Lalong nagpagulo sa imbestigasyon ng kaso ng pagkamatay ni Christine Dacera ang pagbawi ng kampo ni JP dela Serna sa unang sinumpaang salaysay nitong nakita niyang may powder drugs na nakasilid sa medyas ni Mark Anthony Rosales.

Ayon sa abugado ni Dela Serna, nakaranas lamang ang kanyang kliyente at iba pang respondents ng pressure at torture para gawin ang kanilang pahayag.

Mabigat ang paratang ni Dela Serna laban kay Rosales.

Nakaranas ng mga paghuhusga si Rosales dahil sa detalyado at sinumpaang salaysay ni Dela Serna na nakita niyang nakatago sa medyas ng person of interest ang powder drugs at inalok pa umano siya nitong gumamit.

Bahagi ng sworn statement na binawi ni Dela Serna: “Bandang 1:00 A.M. ng January 1, 2021 ay may ipinakita si MARK ANTHONY ROSALES habang kami ay nag-iinuman na may dinukot siya sa kanyang medyas at ipinakita sa amin ang isang powder drugs na nakabalot sa plastic at inaya po niya akong gumamit nito ngunit hindi ako pumayag.

Continue reading below ↓

"At pagkaraan ay nakita kong lango na sina LOUIE [De Lima, person of interest din] at MARK dahil sa ginamit nila na powder drugs na dala ni MARK."

Nagkaroon ng lamat ang kredibilidad at pagdududa sa "power of tsika" ni Dela Serna dahil sa pagbawi nito sa kanyang sworn testimony.

Hindi rin maiiwasang makaapekto sa tiwala ng publiko sa mga nag-iimbestiga sa kaso ang paratang ni Dela Serna na nakaranas siya ng pressure at torture.

Mula nang masangkot ang kanyang pangalan sa Dacera case, hindi pa lumilitaw si Rosales para depensahan ang sarili at sabihin ang panig niya.

Hindi makapaniwala ang mga nakakakilala kay Rosales sa ibinibintang laban sa kanya dahil disente at may respeto sa kapwa ang pagkakakilala nila rito.

NIDA BLANCA MURDER CASE

Ang pagbawi ni Dela Serna sa kanyang sinumpaang salaysay ang magpapaalala sa publiko ng nangyari noon sa murder case ng beteranang aktres na si Nida Blanca.

Continue reading below ↓

Itinanggi ng witness na si Philip Medel ang una niyang testimonya, noong November 9, 2001, na ang asawa ni Nida Blanca na si Rod Strunk ang kumuha sa serbisyo niya para patayin ang veteran actress noong November 7, 2001.

Makalipas ang apat na araw, umiiyak at sumisigaw na sinabi ni Medel na nakatikim umano siya ng torture mula sa kamay ng mga pulis kaya napilitan siyang ituro si Strunk bilang mastermind ng krimen.

Pero ayon sa prosecutors, walang basehan ang sinabi ni Medel na biktima ito ng torture dahil walang nakitang ebidensiya ng pananakit sa kanya nang sumailalim siya sa medical examinations.

Maihahalintulad ang kaso ni Dacera sa imbestigasyon noon sa pagkamatay ni Nida dahil sa mga twists na nangyayari na maikukumpara sa mga kuwento ng mga teleserye.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon kay JP dela Serna (kaliwa), nakaranas umano sila ng pressure at torture kaya napilitan siyang sabihing may "powder drugs" sa dinaluhan niyang New Year's eve party kasama ang flight attendant na si Christine Dacera (kanan).
PHOTO/S: Screen grab from YouTube / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results