Pagpapaseksi ni AJ Raval, hindi aprubado ng kanyang amang si Jeric Raval

by Jojo Gabinete
Jan 13, 2021
AJ Raval on doing sexy scenes without dad Jeric Raval's permission: "Ito pong movie, hindi pa po niya alam na ginawa ko. Nagseksi po, pero ine-expect ko na rin po ang reaksiyon niya na magagalit siya sa akin,"
PHOTO/S: Instagram

Si AJ Raval ang itinuturing na bunso sa cast ng Paglaki Ko, Gusto Kong Maging #Pornstar dahil siya ang pinakabata.

Si AJ ang love child ng former action star na si Jeric Raval at ng dating sexy star na si Allysa Alvarez.

Sa virtual presscon ng pelikula nitong Miyerkules ng hapon, January 13, sinabi ng presscon host na si Giselle Sanchez na "Anak ni Jeric" ang kahulugan ng screen name ng dalaga—Elizabeth Buensucezo in real life.

Pero mas kapani-paniwalang pinagsamang unang letra ng mga pangalan nina Allysa at Jeric ang pinagmulan ng showbiz name ng kanilang anak.

Ipinagtapat ni AJ sa mediacon ng Pornstar na hindi aprubado ni Jeric ang pagpapaseksi niya sa pelikula.

Pero nasa wastong edad na raw siya para magpasya sa sarili.

Sabi ni AJ, "To be honest po, never siyang naging supportive sa pagpapaseksi ko.

"Nasa edad na rin po ako. Meron na rin po akong sariling desisyon."

Continue reading below ↓

Inaasahan ni AJ na magagalit si Jeric sa mga sexy scene niya sa Pornstar, kaya naramdaman ng entertainment press na tila may tampuhan ang mag-ama dahil sa mga sumunod na pahayag ng sexy newcomer.

"Hindi [niya ako] kinakausap. Pinapabayaan niya lang din po ako.

"Ito pong movie, hindi pa po niya alam na ginawa ko.

"Nagseksi po, pero ine-expect ko na rin po ang reaksiyon niya na magagalit siya sa akin," rebelasyon ni AJ.

Ipinakikilala si AJ sa Pornstar, pero may launching movie na rin siya—ang Death of A Girlfriend, na may dating pamagat na Loving Christine at pinagbibidahan nila ni Diego Loyzaga.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
AJ Raval on doing sexy scenes without dad Jeric Raval's permission: "Ito pong movie, hindi pa po niya alam na ginawa ko. Nagseksi po, pero ine-expect ko na rin po ang reaksiyon niya na magagalit siya sa akin,"
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results