Lani Misalucha, gumagamit na ng hearing aid para sa nabinging tenga

by Jojo Gabinete
Jan 14, 2021
Dahil sa sitwasyon nila ng kanyang mister na si Noli Misalucha, hindi pa makakauwi ang Asia's Nightingale na si Lani Misalucha sa tahanan nila sa Las Vegas, Nevada. "Paano kami sasakay ng eroplano, dalawang matatanda na hilong-hilo? Paano kami sasakay ng eroplano niyan? 'Tapos ganito pa ang tenga namin, papaano kung biglang yung air pressure, lalong umano yung tenga namin?" sabi ni Lani.
PHOTO/S: Lani Misalucha Instagram

Ang paggamit ng hearing aid ang solusyon ni Lani Misalucha para maging maayos ang kanyang pandinig.

Nabingi ang kanang tenga ng Asia's Nightingale dahil sa bacterial meningitis na dumapo sa kanila ng asawa niyang si Noli Misalucha noong October 2020.

Bukod sa pagkabingi, ang madalas na pagkahilo ang masamang epekto sa Misalucha couple ng bacterial meningitis.

Pagbabahagi ni Lani sa kanyang Instagram followers, "Nagkaroon kami ng bacterial meningitis noong October 2020.

"We are okey naman ngayon, but problem is yung bacterial meningitis na 'yan ay iniwanan kami ng souvenir, at ang souvenir na ‘yon ay hearing loss at vestibular dysfunction.

"So, like, every single day, meron kaming hilo sa ulo. Yung konting movement ng ulo ng head, super nakakahilo na ‘yan.

"And ako, ‘yang right ear ko ang bingi, etong left ear ko ang medyo nakakarinig.

"Pero ang malala talaga na bingi, si Papa Nols. So, siya yung mas malalang nahihilo at malala ang kanyang pagkabingi."

Continue reading below ↓

Kasunod nito ay ipinakita ni Lani ang paraan ng paggamit niya ng hearing aid.

Nang makausap namin si Lani noong December 17, 2020, nabanggit niyang uwing-uwi na sila ni Noli sa Las Vegas, Nevada dahil sabik na silang makita ang kanilang mga anak at apo.

Pero ang pagkakasakit nila ng bacterial meningitis ang dahilan kaya hindi pa sila maaaring bumiyahe o sumakay sa eroplano.

Continue reading below ↓

"Hindi kami makakauwi sa Las Vegas dahil sa sitwasyon namin," sabi ni Lani.

"Paano kami sasakay ng eroplano, dalawang matatanda na hilong-hilo? Paano kami sasakay ng eroplano niyan?

"'Tapos ganito pa ang tenga namin, papaano kung biglang yung air pressure, lalong umano yung tenga namin?

"Uwing-uwi na kami. Miss na miss na namin yung mga anak namin, kahit grown-ups na sila, lalong-lalo na yung mga apo namin.

"Yung isang apo namin, umalis kami sa Las Vegas noong February 2020, bagong panganak siya.

"Ngayon, magwa-one year-old na siya sa February. Hindi na namin siya nakitang gumapang."

Sa kabila nito, nananatiling positibo ang disposisyon ng singer sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaraanan nila ng asawa niya.

Sumailalim si Noli sa triple heart bypass surgery noong August 2020 bago kinapitan ng bacterial meningitis noong October 2020.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dahil sa sitwasyon nila ng kanyang mister na si Noli Misalucha, hindi pa makakauwi ang Asia's Nightingale na si Lani Misalucha sa tahanan nila sa Las Vegas, Nevada. "Paano kami sasakay ng eroplano, dalawang matatanda na hilong-hilo? Paano kami sasakay ng eroplano niyan? 'Tapos ganito pa ang tenga namin, papaano kung biglang yung air pressure, lalong umano yung tenga namin?" sabi ni Lani.
PHOTO/S: Lani Misalucha Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results