Justin Rieta at iba pang persons of interest sa Room 2207, sumailalim sa lie-detector test

by Jojo Gabinete
Jan 15, 2021
Bumalik sa NBI office ang basketball player na si Justin Rieta at iba pang persons of interest sa Christine Dacera case ngayong araw, January 15, para sumailalim sa lie-detector test.
PHOTO/S: Screen grab from GMA News / Facebook

Bumalik sa NBI Headquarters ang basketball player na si Justin Rieta at ang ibang persons of interest sa Christine Dacera case ngayong araw, January 15.

Sumailalim sila sa polygraph o lie-detector test.

Si Rieta at ang kanyang mga kasama ang mga bisita sa Room 2207 ng City Garden Grand Hotel sa Makati City na paulit-ulit binalikan ni Dacera ilang oras bago ito binawian ng buhay noong January 1, 2021.

Unang lumantad si Rieta at ang ibang respondents sa Dacera case sa NBI Headquarters noong January 13 para makiisa sa imbestigasyon.

Sa screenshot ng deleted Facebook post ni Rieta na inilabas ng GMA News anchor na si Arnold Clavio, sinabi nito sa isang kausap na hindi sila magkakilala ni Christine.

"Wala kong idea di ko siya kilala actually pero hirap lang sya huminga. So inalagaan ko sya kanina. Then umuwi ata kami 6 or 7. 8 ata or 7. Yun nga nabalitaan ko,” pahayag ni Rieta.

Continue reading below ↓

Burado na ang lahat ng mga post sa kanyang Facebook page.

Justin Rieta facebook post on Christine Dacera

VALENTINE ROSALES

Nagkaroon ng interes sa paglantad ni Rieta ang mga sumusubaybay sa imbestigasyon sa kaso ni Christine dahil sa unang pahayag ni Valentine Rosales sa isang press conference noong January 7.

Ayon kay Rosales, walang basketball player sa Room 2207 at mga "matatandang bakla na hindi guwapo" ang kanyang nakita.

Pero iba na ang kuwento ni Rosales sa exclusive interview ni Boy Abunda noong January 13 sa kanya at sa apat na respondents na kasama ni Christine sa Room 2209 ng City Garden Grand Hotel.

“I don’t want to confirm anything, pero I remembered Tin telling to me na there’s someone handsome in 2207, one guy.

I actually looked at him, he doesn’t look straight. Kasi sometimes if you see someone, hindi mo naman malalaman kung straight or not.

"But since they’re all gays, I assumed he’s also gay.

"I heard… Tin told me na he's a basketball player. She said. ‘Hindi ‘yan gay, basketball player.’

“Then I said, 'Aaah, I’m not sure because…' so I just shrugged it off.

"I said, 'Okay, key I’ll just go back to the other room,'" panibagong salaysay ni Rosales tungkol sa paulit-ulit na pagbalik ni Christine sa Room 2207 na kinaroroonan ni Rieta at ng mga kaibigan nito.

Continue reading below ↓

Nagbukas ng fund drive noong January 10 sina Rosales, Rommel Galido, John Paul dela Serna, at Clark Rapinan—ang Fund The Truth Facebook page.

Kailangan kasi nila ng perang gagamitin at gagastusin para sa kaso na kanilang kinakaharap.

Gumawa rin ang apat na respondents ng GCash account para sa mga taong may mabubuting kaloobang magbibigay sa kanila ng financial help.

Pero muling nasa sentro ng kontrobersiya si Valentine dahil nagbukas ito ng sariling GCash account na naka-post sa kanyang Twitter account.

May caption itong “For those asking for my direct Gcash number it’s 09771891211. thank you for the continuous prayers. Let’s all just hold a little bit more and the light will shine on us”

valentine rosales gcash fund drive

Continue reading below ↓

Dahil dito, inaakusahan siyang nagsasarili at sinasamantala ang natatanggap na public attention.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bumalik sa NBI office ang basketball player na si Justin Rieta at iba pang persons of interest sa Christine Dacera case ngayong araw, January 15, para sumailalim sa lie-detector test.
PHOTO/S: Screen grab from GMA News / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results