Baron Geisler nawala raw ang angas nang maging ama

by Jojo Gabinete
Jan 15, 2021
Baron Geisler: "Family comes first, remove selfishness. I learned a lot about being compassionate towards other people, hindi lang yung puro what’s in it for me and also to be of service to so many people."
PHOTO/S: Instagram

Nagbago raw ang pag-uugali ni Baron Geisler mula nang siya'y maging ama.

Ito ang ibinahagi ng 38-year-old actor nang makausap siya ng entertainment press nitong Biyernes ng hapon, January 15, sa virtual welcome presscon ng Viva Artists para sa bagong contract star ng talent management agency ng Viva Entertainment.

Saad ni Baron, “Nag-soften yung character ko. Hindi na ako maangas.

"Siguro yung angas na ‘yan, ilalabas ko ‘yan kapag kailangan ng pamilya.

"Ilalabas ko sa pagbanat ng buto at, siyempre, dahil may anak at asawa na ako, ayoko na ng gulo.

"As much as possible, kung may manghahamon sa akin diyan, e, tatakbo na lang ako kasi ayaw natin ng kaaway, lahat kaibigan natin."

Ibinida rin ng aktor na magdiriwang na ng unang kaarawan ang kanyang baby daughter na si Tali sa January 20.

Continue reading below ↓

Malaki raw ang kinalaman ng pananampalataya ni Baron sa Panginoong Diyos sa nakagugulat na pagbabagong-buhay niya.

Ayon kay Baron, madalas ang pakikipag-usap niya sa Diyos sa pamamagitan ng taimtim na pagdarasal.

"I want to give this back to God. God is so good kahit ang dami kong mga pangako na napako.

"Pero I always pray kasi na kapag talagang wala na ako sa industriya, parang ang feeling ko wala nang kukuha sa akin, I always speak to God na parang, 'Lord, please give me an opening. Please, ust one call, I just need one call to start again.'

"And He hears my prayers. And kung may magsarado man na pintuan, magbubukas naman Siya ng ilan pang mga windows, opportunities."

Nang tanungin tungkol sa kanyang mga realization sa panahon ng coronavirus pandemic, sinabi ni Baron na natuto siyang maging disiplinado, compassionate, at ang pamilya ang naging priority niya.

"Family comes first, remove selfishness. I learned a lot about being compassionate towards other people, hindi lang yung puro what’s in it for me and also to be of service to so many people.

Continue reading below ↓

"With God’s grace, I just obeyed and followed the rules, stayed home, and I just had that total surrender and obedience and it paid off.

"I’m safe, nagpapasalamat ako na hindi ako nagka-COVID.

"I learned that more than anything… material things, family is the most important thing in the world, and also your spiritual contact with your Creator, for strength."

Patuloy ni Baron, "For pangkabuhayan naman or ekonomiya, you know, ang galing.

"Kapag nagdasal ka, bigla na lang the next day... I’m not being religious here, baka sabihin nila corny, baduy, I’m not that guy.

"It’s the truth, e, whenever I pray, a miracle will happen, na parang God provides or the universe provides.

"May nakain kami, may pambili ako ng gatas para kay Tali, may diaper."

Naranasan daw ni Baron maging frontliner dahil tumulong siya sa pagpapakain sa mga residente ng mga barangay sa Cebu City na apektado ng pandemya.

Continue reading below ↓

Cebu-based na si Baron dahil naroroon ang kanyang asawa at anak.

Nagtayo rin si Baron ng apparel business sa Cebu at pumupunta na lamang siya sa Metro Manila kapag may mga TV guesting at pelikulang gagawin.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Baron Geisler: "Family comes first, remove selfishness. I learned a lot about being compassionate towards other people, hindi lang yung puro what’s in it for me and also to be of service to so many people."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results