"Hiling" singer Mark Carpio, gustong maka-duet sina Sarah Geronimo at Janine Teñoso

by Jojo Gabinete
Jan 19, 2021
Mark Carpio: "I never expected to be where I am now kasi ang gusto ko lang naman noon is marinig ng mga tao yung kanta, that’s it. I just want to hear my songs over the radio and so far, yun ang nangyari."
PHOTO/S: Instagram

Ang magkaroon ng collaboration kina Sarah Geronimo at Janine Teñoso, ang makapagsulat ng theme songs para sa mga pelikula ng Viva Films, at maranasang umarte.

Ito ang ilan sa mga dahilan na sinabi ng singer na si Mark Carpio kaya pumirma siya ng kontrata sa Viva Records.

"Maraming plano pero pinaka-main plan is movies. Kasi that’s one of the main reasons why I joined Viva because they’re the leading company when it comes to movies.

"So we had an agreement to use the songs as theme songs for their movies.

"Kasama na rin ang acting. I would like also to explore my acting side.

"Although it’s something new and I also welcome naman other things that would help my career grow. Isa rin ‘yon sa napag-usapan namin.

"Ang collaboration ang isa sa pinaghahandaan ko. I’m also preparing to write a duet.

"Siyempre, si Sarah Geronimo, I’m a huge fan, and also Janine Teñoso, kakaiba rin yung boses niya.

Continue reading below ↓

"So these two are mga possible duet, hopefully," sabi ni Mark.

Aminado ang singer na late-bloomer siya sa entertainment industry dahil mahilig siyang mag-aral.

Sa katunayan, tatlong degrees ang natapos niya—Entrepreneurship, Real Estate Management, at MBA.

Lahad niya, "I started my music career when I was 28.

"It’s a bit late because I finished first my schooling and I was also working for the family business.

"But I started singing when I was four years old and I learned how to write songs when I was 12. So, matagal ko na siyang ginagawa."

mark carpio: MODERN DAY BALLADEER

"Modern Day Balladeer ang title na ibinigay ng Viva Records kay Mark.

Siya ang sumulat at umawit ng "Hiling," ang kanyang hit debut single noong 2016 at may 60 million streams sa Spotify sa kasalukuyan.

Hindi nakapagtatakang nagustuhan ng music lovers ang "Hiling" dahil sa rebelasyon ni Mark na isang dasal at hindi ordinary love song ang kanyang unang single.

Continue reading below ↓

"Hiling is a prayer between me and God. Wala siyang tinutukoy na tao.

"Ito ay isang dalangin, asking why. Bakit ba nangyayari yung mga bagay na ito sa sarili natin."

Ang cover ng "Through The Years," ang classic song ng American singer na si Kenny Rogers (August 21, 1938-March 20, 2020) ang unang single ni Mark sa Viva Records.

Continue reading below ↓

Malakas ang impact ng kanyang version dahil sa tagos sa pusong pag-awit niya kaya hindi imposibleng mapantayan nito ang tagumpay ng "Hiling."

"I never expected to be where I am now kasi ang gusto ko lang naman noon is marinig ng mga tao yung kanta, that’s it.

"I just want to hear my songs over the radio and so far, yun ang nangyari.

"I’m very thankful and it’s a very humbling experience also to go through that process."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mark Carpio: "I never expected to be where I am now kasi ang gusto ko lang naman noon is marinig ng mga tao yung kanta, that’s it. I just want to hear my songs over the radio and so far, yun ang nangyari."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results