Alma Moreno, Rosanna Roces, Ara Mina, Maui Taylor tanggap ang pagiging "laos"?

by Jojo Gabinete
Jan 19, 2021
Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar stars (from left) Ara Mina, Alma Moreno, Rosanna Roces, and Maui Tayor share thoughts about being "laos."
PHOTO/S: Viva Films

“Has-been” o laos na sexy stars ang mga papel na ginagampanan nina Alma Moreno, Rosanna Roces, Ara Mina, at Maui Taylor sa Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar.

Ang kanilang mga screen name din ang ginamit na pangalan ng mga karakter nila.

Para sa karamihan ng mga artista, masakit sa pandinig ang salitang "laos" dahil natapos na ang pamamayagpag ng kanilang mga showbiz career at kasikatan.

Pero iba ang pananaw ng apat na bida ng Pornstar tungkol sa pagbabago ng takbo ng popularidad nila.

ARA MINA

Sabi ni Ara, "Wala naman forever sikat.

"Darating talaga yung time na matatapos yung peak ng career mo so all you have to do is i-prepare mo yung sarili mo kung dumating yung time na ‘yon.

"Kasi yung iba, nagkakaroon ng depression.

"Meron din akong kilala na artista na kapag nakakausap ko, tinatanong ako, ‘Sikat pa ba ako?’

"Binibigyan ko rin sila ng advice na dapat i-prepare natin ang sarili, hindi naman forever magiging sikat.

Continue reading below ↓

"Kailangan acceptance sa lahat ng bagay."

ROSANNA ROCES

Nang sumikat si Rosanna noong 1994 bilang sexy contract star ng Seiko Films, ang pagbaba ng popularidad ang unang inisip niya, kaya naging madali umano para sa kanyang tanggapin ang katotohanan.

Saad niya, "Nung tumaas ako, inisip ko agad yung pagbaba ko, kasi sa totoo lang, wala naman nananatili sa itaas.

"Lahat naman ng sikat, nawala rin. Ang importante, nandiyan ka pa rin.

"Ang importante, gumawa ka ng tatak, at yung tatak na ‘yon, hindi naman basta-basta.

"At yung personalidad mo na ginawa noon, napagbuti mo ngayon.

"At saka sa totoo lang, napakalungkot sa taas, wala kang kasama doon."

Superstar ang kategorya ni Rosanna sa local entertainment industry mula 1995 hanggang 2002.

ALMA MORENO

Mahigit sa isang dekada na Sex Goddess ng Philippine Movies si Alma.

Kahit may mga anak na siya, tinatangkilik ng publiko ang kanyang mga comeback sexy film tulad ng Rape of Virginia P. (1989) at Secrets of Pura (1991).

Continue reading below ↓

Kung may ipinagpapasalamat si Alma, ito ay ang respeto sa kanya ng publiko at ito ang itinuturing niya na pinakamahalaga.

Pahayag niya, "Sa paningin ko, kanya-kanyang panahon ‘yan.

"Kumbaga yung time ko naman, ang tagal din. Ilang taon, super-tagal yung peak ko.

"Kumbaga, yung Loveli-Ness ko, andiyan, ang tagal" pagtukoy niya sa kanyang dating musical-variety show.

"Kumbaga, yung tatak ko, nandito pa rin. Hindi nakakalimutan yung Alma Moreno.

"Kaya yung word na laos, nasa pagdadala mo na lang.

"Katulad sa akin ngayon, kilala pa rin ako hanggang ngayon kahit nasa ibang mundo na ako, nasa pulitika na ako.

"Ang importante lang, yung respeto, hawak mo pa rin hanggang ngayon. Nirespeto ka sa showbiz," katwiran ni Alma.

MAUI TAYLOR

Iba rin ang opinyon ni Maui dahil hindi siya naniniwalang may salitang laos, base sa kanyang karanasan nang maging in-demand sexy star siya mula nang magbida sa Gamitan noong 2002.

"Para sa akin, yung salitang laos, personally, hindi siya nag-e-exist, e.

Continue reading below ↓

"I mean, aminin natin, kumbaga sa isang industriya, hindi naman pwedeng palagi kang nasa ibabaw.

"Bilog ang mundo, bababa at bababa ka rin.

"It’s just a matter of kung paano ka bumaba, paano mo tinanggap ang iyong pagbaba, kung paano ang outlook mo ngayon na nandito ka.

"Basta para sa akin, ang importante, nandito pa rin ako. Kilala pa rin ako ng mga tao.

"Meron pa rin mga umiidolo sa akin at malaki ang respeto ko sa sarili ko," saad ni Maui.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar stars (from left) Ara Mina, Alma Moreno, Rosanna Roces, and Maui Tayor share thoughts about being "laos."
PHOTO/S: Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results