Bela Padilla, writer at director ng pelikula nila nina Zanjoe Marudo, JC Santos

by Jojo Gabinete
Jan 20, 2021
Bela Padilla writes and directs 366, a film which she will co-star with Zanjoe Marudo and JC Santos.
PHOTO/S: Instagram

Achiever si Bela Padilla dahil sa edad na 29, natupad ang pangarap niyang maging movie director.

Siya ang writer at direktor ng pelikulang may working title na 366.

Si Zanjoe Marudo ang naglabas sa kanyang IG story ng detalye tungkol sa unang araw ng lock-in shoot nila ngayong araw, January 20, para sa movie directorial debut ni Bela.

Zanjoe Marudo IG story

Continue reading below ↓

Sa Metro Manila lamang ang shooting location ng 366, na pinagbibidahan nina Bela, Zanjoe, at JC Santos.

Bukod sa award-winning actress si Bela, mahusay rin siyang writer.

Kabilang sa mga nakaraang writing job niya ay ang 2016 blockbuster movie na Camp Sawi at ang Last Night, ang pelikula nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga na ipinalabas sa mga sinehan noong September 27, 2017.

Sa pagpasok ng 2021, ang pagiging direktor ang latest accomplishment ni Bela na matagal nanahimik dahil pinaghahandaan niya ang principal photography ng 366.

Hindi pa nagsasalita o nagkukuwento si Bela tungkol sa kanyang bagong career bilang direktor.

Pero makahulugan ang Facebook post niya noong December 31, 2020 na may pamagat na "366."

"I have never been in awe of, and physically stopped by an amount of time like I have this year. But I am better because of it.

"Time to start fresh next year, so, let’s all clear our hearts and our minds and be kinder people. The fact that you and I woke up today is something to be extremely grateful for.

Continue reading below ↓

"I am grateful for the people I love, the people that love me, and people I am about to meet and will fall in love with. You all pulled me through 2020. Thank you.

"Also, if you dare enter 2021 without learnings from this year, let’s not cross paths next year, k?" pahayag ni Bela na nilagyan niya ng smiley emoticon.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bela Padilla writes and directs 366, a film which she will co-star with Zanjoe Marudo and JC Santos.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results