Claudia Barretto, sinundan ang kapatid na si Julia sa Viva

by Jojo Gabinete
Jan 20, 2021
Claudia Barretto, the second child of Marjorie Barretto and Dennis Padilla, officially joins the entertainment scene as she signs exclusive contract with Viva Artists Agency.
PHOTO/S: Viva Entertainment

Opisyal na ang pagpasok ni Claudia Barretto sa showbiz.

Nakatakada siyang pumirma ng kontrata sa Viva Artists Agency (VAA) ngayong Miyerkules ng hapon, January 20.

Talent na rin siya ng VAA gaya ng kanyang kapatid na si Julia.

Si Claudia ang pangalawa sa tatlong anak nina Dennis Padilla at Marjorie Barretto.

Bukod sa pagkakaroon ng maganda at maamong mukha, mahusay na singer si Claudia kaya pipirma rin siya ng recording contract sa Viva Records.

Naipakita na ni Claudia ang talent nito sa pagkanta sa mga guesting niya sa Sunday Noontime Live, ang weekly noontime musical-variety show ng Brightlight Productions na nagpaalam sa telebisyon noong Linggo, January 17, 2021.

Si Claudia ang karagdagan sa listahan ng mga baguhan na anak ng mga artista at future ng local entertainment industry.

Bulod sa pagiging showbiz royalty, impressive ang talent niya sa pagkanta.

Suportado ni Marjorie ang showbiz career ni Claudia pero nabanggit niya noon sa isang interbyu na kung siya ang masusunod, hindi siya payag mag-artista ang kanyang mga anak.

Continue reading below ↓

Sinabi ni Marjorie na seryoso si Claudia sa pangarap nitong makatapos ng pag-aaral.

Kungvsakaling papasok sa showbiz, maging host at singer ang gusto ng anak niya.

Nakagagawa na ng mga TV commercial si Claudia bago nagdesisyong seryosohin ang entertainment career.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Claudia Barretto, the second child of Marjorie Barretto and Dennis Padilla, officially joins the entertainment scene as she signs exclusive contract with Viva Artists Agency.
PHOTO/S: Viva Entertainment
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results