Maui Taylor, inamin ang sikreto ng kanyang malusog na dibdib; Sen. Lito Lapid, may dapat bang ikabahala sa Pornstar?

by Jojo Gabinete
Jan 20, 2021
Director Darryl Yap (center) with Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar stars (from left) Ara Mina, Maui Taylor, Rosanna Roces, and Alma Moreno.
PHOTO/S: Viva Films

"Secret" ang sagot ng direktor na si Darryl Yap nang itanong namin kung may dapat ikabahala si Senator Lito Lapid sa isang kontrobersiyal na eksena ng Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar.

Ang Pornstar ang initial presentation ng VIVAMAX, ang streaming platform ng Viva Communications, sa January 29 .

Si Darryl ang sumulat ng kuwento at direktor ng Pornstar.

Sa posibleng pag-uusapang eksena, ipinaubaya ni Darryl kina Alma Moreno, Rosanna Roces, Ara Mina, at Maui Taylor ang pagkukuwento tungkol sa kanilang mga tunay at hindi makalilimutang karanasan noong aktibo pa sila sa pagpapaseksi sa pelikula.

Isa sa ikinuwento ng apat na bida ng Pornstar ay si Senator Lapid.

Para magkaroon ng idea ang manonood kung gaano katindi ang eksena sa Pornstar, ikinuwento ni Darryl ang rebelasyon ni Maui na lumulutang ang dede nito sa sexy scene nila ni Rica Peralejo sa isang waterfalls sa 2002 movie na Hibla.

"Dini-discuss ni Maui na lumulutang daw yung dede niya, ganoon daw talaga kapag hindi totoo at may dumaan na ahas habang kinukunan ang laplapan nila ni Rica," sabi ng 34-year-old director ng Pornstar.

Continue reading below ↓

maui taylor and rica peralejo kissing scene

Maui Taylor and Rica Peralejo

Ang Gamitan ang launching movie ni Maui noong 2002.

Noon pa man, iniintriga na ang pagkakaroon niya ng malalaking pares ng dibdib. Pero nanindigan siyang wala raw niretoke sa anumang bahagi ng kanyang katawan.

Makalipas ang labing-siyam na taon, inamin ni Maui sa Pornstar ang katotohanan.

Continue reading below ↓

Ikinagulat pero tuwang-tuwa si Darryl at ang production staff ng Pornstar sa pagpapakatotoo ni Maui.

Pati na sa ibang mga sikreto na ikinuwento nina Alma, Rosanna, at Ara na ngayon pa lamang maririnig at mapapanood ng mga tao.

Idinagdag ni Daryl na sobrang ganda ng batuhan ng unscripted lines ng apat na bida ng Pornstar dahil nanggaling sa personal na karanasan ang kanilang mga pinag-usapan.

Ang pangalan nga ni Senator Lapid ang isa sa mga nabanggit.

Pinuri ni Darryl sina Alma, Rosanna, Ara, at Maui dahil nagpakatotoo sila at naging generous sa pagbabahagi ng kanilang mga personal na karanasan noong kapanahunan nila bilang mga sexy star.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Director Darryl Yap (center) with Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar stars (from left) Ara Mina, Maui Taylor, Rosanna Roces, and Alma Moreno.
PHOTO/S: Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results