Alma Moreno, pinakabatang bold star noon, kahit kailan hindi nakaranas ng pambabastos

by Jojo Gabinete
Jan 24, 2021
Isa si Alma Moreno sa pinakaabalang artista ngayon sa kabila ng pagkakaroon ng coronovirus pandemic. Mas busy pa siya showbiz kesa sa kanyang mga anak na sina Mark Anthony Fernandez, Vandolph Quizon, at Winwyn Marquez.

Kabilang si Alma Moreno sa mga veteran star na masuwerte sa panahon ng coronavirus pandemic dahil sunud-sunod ang kanyang mga movie project at television guesting.

Ang Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar at Housemaid ang dalawang pelikula na mabilis na natapos ni Alma dahil sa lock-in shoot.

Siya rin ang featured guest sa "Taglugar," ang episode ngayong gabi, January 24 ng Kagat ng Dilim ng TV5 na may impressive one million views ang official trailer.

Pumirma rin si Alma ng management contract sa Viva Artists Agency.

At tila panahon ng veteran stars ang 2021 dahil mga bagong contract star din ng nasabing talent agency sina Cristina Gonzales, Rosanna Roces, at ang magkapatid na Rey at Jojo Abellana.

Nagsimula noong 1973 ang acting career ni Alma at matagal siyang namayagpag si bilang sex symbol mula 1975 hanggang 1991.

Alma Moreno in a 1970s publicity photo.

Continue reading below ↓

Pero ni minsan, hindi raw niya naranasan na mabastos dahil sa kanyang pagiging bold star.

“Sa awa ng Diyos, wala akong experience na binastos sa labas kapag namamasyal ako o kasama ko yung mga anak ko.

“Wala akong naramdaman na ganoon kasi sa shooting lang ako nagpaseksi.

"Ako ang youngest sexy star noon. Youngest bold star ako noon pero kapag nasa labas ako, wala akong naramdaman [na pambabastos].

“Siguro na-maintain ko lang ang respeto kasi iba ako sa screen, iba naman ako sa personal.

"Sa personal, naka-maong, naka-T-shirt, naka-polo lang ako.

“Simpleng-simple, kahit make up, wala ako.

"Kumbaga totoong-totoo ako kaya siguro hindi ako nakaramdam na bastusin ako.

“Sa kapwa artista, sa mga mas senior sa amin noon, wala naman. So far, wala pa akong nakakaeksena o nakakasama na minaliit ako."

Mas visible at busy talaga ngayon sa showbiz si Alma, kumpara sa kanyang mga anak na sina Mark Anthony Fernandez, Vandolph Quizon, at Winwyn Marquez.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isa si Alma Moreno sa pinakaabalang artista ngayon sa kabila ng pagkakaroon ng coronovirus pandemic. Mas busy pa siya showbiz kesa sa kanyang mga anak na sina Mark Anthony Fernandez, Vandolph Quizon, at Winwyn Marquez.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results