Bakit may mga nag-iisip na mawawala na sa ere ang Lunch Out Loud?

by Jojo Gabinete
Jan 24, 2021
May mga nababahala at nag-iisip na katulad ng Sunday Noontime Live, mawawala na rin sa ere ang Lunch Out Loud (kaliwa) at mapapalitan sa TV5 ng It's Showtime (kanan).
PHOTO/S: PR

May mga nabahala at nag-isip na tulad ng Sunday Noontime Live (SNL), baka magpaalam na rin sa telebisyon ang Lunch Out Loud (LOL).

Parehong nasa TV5 at produced ng Brightlight Productions ni former congressman at businessman Albee Benitez ang dalawang show.

Kahapon kasi, January 23, "Best of" na compilation ng mga eskena at segments sa show ang ipinalabas, imbes na regular show.

Isang staff member ng LOL ang nagsabi na walang dapat ipag-alala ang loyal viewers ng show dahil tuluy-tuloy ang taping nila.

Pero may mapapanood pa rin na "Best of Lunch Out Loud" sa susunod na Sabado, January 30 dahil ito ang desisyon ng management.

May lumutang na report na gaya ng ASAP Natin ‘To, posible rin na mapanood sa TV5 ang It’s Showtime at maging pre-programming nito ang Lunch Out Loud.

Pero sinabi ng source ng Cabinet Files na hindi kumpirmado ang kumakalat na isyu.

Sina TV5 Chairman Manny Pangilinan at Cignal/TV5 President/CEO Robert Galang ang mga pinasalamatan nina Martin Nievera at Vice Ganda sa unang live telecast ng ASAP Natin ‘To sa Kapatid Network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi nabanggit sa pasasalamat ang pangalan ni Benitez.

Pero malinaw sa inilabas na joint official statement ng ABS-CBN at TV5 na may kinalaman din siya sa airing ng ASAP Natin ‘To sa timeslot na nabakante ng kanyang Sunday noontime musical variety show.

Nakansela ang SNL nung January 17 na labis na dinamdam ng creator at director nito na si Johnny Manahan.

“This collaboration between CIGNAL, TV5, Brightlight Productions, and ABS-CBN marks the start of greater cooperation among our various industry players and begins a new era of partnership," sabi sa bahagi ng pahayag ni Galang sa joint official statement ng TV5, CIGNAL, Brightlight Productions, at ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya may mga naniniwala at umaasa na darating ang araw na mapapanood din sa Kapatid Network ang It’s Showtime.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
May mga nababahala at nag-iisip na katulad ng Sunday Noontime Live, mawawala na rin sa ere ang Lunch Out Loud (kaliwa) at mapapalitan sa TV5 ng It's Showtime (kanan).
PHOTO/S: PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results