Sunshine Guimary, nagpasintabi kay Vice Ganda para sa bed scenes nila ni Ion Perez

by Jojo Gabinete
Jan 25, 2021
Sunshine Guimary (left) on Ion Perez (right, with partner Vice Ganda): "ang personality ni Ion, parang malambing siya, 'tapos physically, sino naman ang hindi mai-in love kay Ion? Physically, nandoon na sa kanya. And sa attitude, hindi ko pa siya ganoon kabisado, pero sa napapanood ko sa It’s Showtime, sweet si Ion, which is isa ‘yon sa weakness ng babae."
PHOTO/S: Instagram

Ang Kaka ang launching movie ng "Braless Goddess" na si Sunshine Guimary.

Ang inspirasyon ng kuwento at pamagat ng kanyang biggest break sa pelikula ay ang bugtong na "Nandiyan Na Si Kaka, Bubuka-Bukaka."

RELATED STORY

Ginagampanan ni Sunshine sa Kaka ang papel ng isang radio DJ na sex therapist pero isinumpang hindi magkakaroon ng sexual satisfaction ang mga babaeng miyembro ng pamilya.

Sina Jerald Napoles at Ion Perez ang leading men ni Sunshine sa sexy-comedy movie project na nagkaroon ng virtual story conference ngayong Lunes ng gabi, January 25.

Aminado si Sunshine na may pressure siyang nararamdaman dahil bukod kina Jerald at Ion, kasama rin sa cast ng Kaka ang seasoned actresses na sina Gina Pareño, Maui Taylor, at Rosanna Roces.

Tensyonada si Sunshine dahil sa mga bed scenes na gagawin nila nina Jerald at Ion para sa Kaka.

"Yes, may bed scenes. Daring ang movie na 'to, yun ang dapat ko talagang paghandaan, kasi medyo sensitive at pang-adult yung movie.

Continue reading below ↓

"Willing akong mag-adjust kay Ion. Meme, pahiram ha? Pahiram!” pasintabi pa ni Sunshine sa partner ni Ion na si Vice Ganda.

Hindi maipaliwanag ni Sunshine ang saya dahil sa malaking oportunidad at tiwalang ipinagkaloob sa kanya ng Viva Films.

Nang itanong kung posible bang ma-in love siya kay Ion, walang paligoy-ligoy na "posible" ang sagot ni Sunshine.

Paliwanag niya, "Posible, oo, kasi ang personality ni Ion, parang malambing siya, 'tapos physically, sino naman ang hindi mai-in love kay Ion?

"Physically, nandoon na sa kanya.

"And sa attitude, hindi ko pa siya ganoon kabisado, pero sa napapanood ko sa It’s Showtime, sweet si Ion, which is isa ‘yon sa weakness ng babae.

"Yung sweet, importante yun," prangkang pahayag ni Sunshine habang poker faced na nakikinig si Ion sa mga sinasabi niya.

Hindi pa nagkikita nang personal sina Sunshine, Jerald, at Ion dahil sa susunod na buwan pa sisimulan ang shooting ng Kaka.

Continue reading below ↓

Cebu-based si Sunshine kaya ang pagluwas sa Maynila ang kanyang pinaghahandaan. Hindi ito madali dahil kailangan niya nng sumunod sa health and safety protocols na ipinatutupad ng IATF.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sunshine Guimary (left) on Ion Perez (right, with partner Vice Ganda): "ang personality ni Ion, parang malambing siya, 'tapos physically, sino naman ang hindi mai-in love kay Ion? Physically, nandoon na sa kanya. And sa attitude, hindi ko pa siya ganoon kabisado, pero sa napapanood ko sa It’s Showtime, sweet si Ion, which is isa ‘yon sa weakness ng babae."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results