Ion Perez, binigyan ng tips ni Vice Ganda sa kanyang first leading-man role

by Jojo Gabinete
Jan 26, 2021
Ion Perez on his goals: “Maging masaya na lang palagi, masaya na kasama si Meme. Pero sa karera naman, kung anong meron, why not?"
PHOTO/S: Instagram

Dahil sa kanyang relasyon kay Vice Ganda, hindi naiwasang hindi tanungin si Ion Perez tungkol sa mga payo at tips na ibinibigay sa kanya nito para sa Kaka, ang sexy-comedy movie na pagbibidahan ni Ion at ng aspiring sexy star na si Sunshine Guimary.

Inamin ni Ion sa story conference ng Kaka kagabi, January 25, ang pressure na nararamdaman dahil isa siya sa leading men ni Sunshine sa pelikula. Pero full support daw sa kanya si Vice.

"Parang nakaka-pressure po para sa akin yung karakter ko dito.

"Unang-una, ito po‘yung unang pelikula na ako po yung leading man kaya mas doble po yung pressure na nararamdaman ko."

Ano ang tips sa 'yo ni Vice?

"Ang sinabi lang niya sa akin, ‘Kaya mo ‘yan, may tiwala ako sa 'yo. Tataya ako sa 'yo.'

"So, talagang aaralin ko siya, aaralin ko si Levi," banggit ni Ion sa pangalan ng karakter niya sa Kaka.

Continue reading below ↓

Patuloy niya, "Nagulat nga po ako, kasi alam niyo na mahiyain ako. 'Ikaw, kaya mo?' sabi niya.

"E, hindi naman lahat ng tao nabibigyan ng ganitong pagkakataon o opportunity.

"Sabi ko, sige, try ko, subukan ko para yung abs ko lumitaw naman.

"Humihingi naman po ako ng tips sa kanya kasi alam naman po natin na si Meme, pagdating sa ganyan, professional naman po siya.

"Sinuportahan naman po ako."

Mayaman ang karakter na gagampanan ni Ion sa Kaka, at isa ito umano sa nagbibigay sa kanya ng pressure dahil hindi lingid sa kaalaman ng lahat na nanggaling siya mula sa mahirap na pamilya.

Nangako si Ion na pag-aaralan nitong mabuti ang role sa Kaka na ipinagkatiwala sa kanya sa pamamagitan ng pagtatanong sa mga kakilala niya.

"Kilala ko yung sarili ko na parang ang layo sa karakter ko dito sa Kaka. Nape-pressure talaga ako.

"Hindi ko alam kung anong iisipin ko, gagawin ko, pero inaaral ko pa rin yung karakter ko.

Continue reading below ↓

"Actually, lagi ko siyang [script] binabasa kung paano gumalaw yung isang anak-mayaman. Nape-pressure ako.

"Alam niyo naman na laki ako sa hirap kaya nahihirapan ako kung paano kumilos na isang anak-mayaman kaya hindi ko alam kung paano.

"Hihingi na lang siguro ako ng tips sa mga kakilala ko kung paano gumalaw yung isang yayamaning anak.

"May panahon pa naman saka oras para mag-aral sa karakter ko so aaralin ko talaga siyang mabuti. Kasi sabi ko nga, ano lang ako, mahinhin, tahimik.

"Sa karakter ko, parang parehas naman, kaya lang si Levi, anak-mayaman.

"Yun ang talagang hindi ko alam kung paano ko ikikilos—kung paano gumalaw yung isang anak-mayaman saka kung paano maging isang anak-mayaman."

Nang usisain tungkol sa mga love scene na gagawin nila ni Sunshine sa Kaka, natatawang sinabi ni Ion, "Actually, ako talaga yung naiilang sa parang may kiss. Kung talagang kailangan, sige. Bahala na si Superman!"

Lumitaw ang kabutihan, pagiging simple, at kuntento ni Ion sa kung ano ang meron siya nang itanong ang mga pangarap niya para sa kanyang career.

Continue reading below ↓

“Maging masaya na lang palagi, masaya na kasama si Meme. Pero sa karera naman, kung anong meron, why not?" sagot niya.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ion Perez on his goals: “Maging masaya na lang palagi, masaya na kasama si Meme. Pero sa karera naman, kung anong meron, why not?"
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results