Willie Revillame napaiyak dahil sa matinding pangungulila sa Wowowin audience; ABS-CBN personalities bumati sa kanyang kaarawan

by Jojo Gabinete
Jan 27, 2021
willie revillame crying
Willie Revillame to Wowowin audience: "Nami-miss ko kayo talaga, yung sigaw niyo, dun na kayo kumakain sa jeep, naka-wheelchair, yung mga magulang na walang pambili ng gamot."
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

Sa pambihirang pagkakataon, napanood na umiiyak si Willie Revillame nang ipagdiwang nito sa Wowowin: Tutok To Win ang 60th birthday niya ngayong gabi, January 27.

Ito ay dahil sa matinding pangungulila sa studio audience ng kanyang popular game show sa GMA-7.

Kabilang sa birthday wish ni Willie ang matapos na ang coronavirus pandemic at maging normal na muli ang sitwasyon dahil miss na miss na raw niya ang audience ng kanyang programa.

“Nami-miss ko na kayo. Nami-miss ko yung sigaw niyo. Sana matapos na itong problema natin para maibalik na natin yung dati,” ang sambit ni Willie, na hindi na napigilan ang pag-iyak.

"Pasensiya na kayo, nami-miss ko na yung matatanda, mga nanay, lola, mga special na mga bata, sa mga naka-wheelchair, bumubulong, pambili ng gamot, pambayad ng matrikula… nami-miss ko kayo sobra.

"Sana makabalik na kami sa studio, makasama na namin kayo ulit. Kayo ang nagdala sa akin dito, gusto kong ibalik sa inyo lahat.

Continue reading below ↓

"Balewala ho ang materyal sa bahay at sa buhay ko."

Panalangin pa ni Willie, "Sana, Lord, matapos na itong pandemya para makabalik na kami at makapagpasaya araw-araw.

"Gumawa ako ng paraan kahit na Tutok To Win, para makagawa ng paraan para makatulong.

"Salamat sa nagtiwala, salamat sa inyong lahat."

willie revillame crying

Continue reading below ↓

Bukod sa pasasalamat sa lahat ng mga sumusuporta sa Wowowin, humingi ng paumanhin si Willie sa mga kasamahan niya sa trabaho na kanyang napagalitan.

Aniya, "Sa lahat ng mga katrabaho ko, sa mga co-host, sa lahat ng mga sumama ang loob dahil napapagalitan ko, pasensiya na kayo dahil lagi kong sinasabi sa inyo, I am for the show.

"Ang iniisip ko, hindi para sa akin, para sa inyong lahat. Basta ang importante ho, matapos na ito, makabalik na kami."

Dagdag pa ni Willie tungkol sa mga audience, "Nami-miss ko kayo talaga, yung sigaw niyo, dun na kayo kumakain sa jeep, naka-wheelchair, yung mga magulang na walang pambili ng gamot.

"Pasensya na kayo medyo naging emosyonal ako dahil matanda na.

"Ang pinakaimportante, Lord, thank you so much, ginawa Niyo akong tulay sa mga taong may lungkot at may pangangailangan.

"Sixty years na old po ako, sana another sixty years para makapagbigay pa ako ng saya at tulong."

Continue reading below ↓

GRAND ENTRANCE AND BIRTHDAY GREETINGS

Naging kakaiba ang 60th birthday presentation ni Willie sa Wowowin dahil sa kanyang grand entrance sa umpisa ng programa niya.

Ipinakita ang pagdating ni Willie sa Tutok To Win studio sa Wil Tower Mall habang sakay ng kanyang R66 Turbine helicopter na siya mismo ang piloto.

Suot ni Willie ang kanyang pilot uniform nang ilapag niya sa helipad ng Wil Tower Mall ang helicopter na nagkakahalaga ng US$965,000 o halos 47 million pesos sa Philippine currency.

willie revillame wearing pilot uniform

Continue reading below ↓

Highlight din ng birthday celebration ni Willie sa Wowowin ang videotaped greetings nina Tirso Cruz III, Phillip Salvador, Aga Muhlach, John Estrada, Richard Gomez, Randy Santiago, at Cristy Fermin na mga kasama niya at naging kaibigan noong struggling actor pa siya.

Bumati rin kay Willie si Coco Martin at ang ABS-CBN executive na si Charo Santos, na napanood sa Wowowin sa kauna-unahang pagkakataon.

charo santos and coco martin birthday greeting to willie revillame

Continue reading below ↓

WILLIE'S FIRST HOUSE

Hinding-hindi makakalimutan ni Willie si Charo dahil ito ang nagbigay sa kanya ng tseke na nagkakahalaga ng dalawang milyong piso para makabili siya ng sariling bahay.

Lahad niya, "Ang unang-unang kong bahay, bigay ni Ma’am Charo.

"Papunta ako noon sa ABS-CBN, para malaman niyo lang. 'Asan ka?' nag-text, 'Si Tita Charo mo ito. Punta ka dito sa opisina ko, saan ka ba nakatira?'

"Sabi ko, 'Nangungupahan lang ako, Ma’am, ng townhouse.'

"Totoo ito, ha? This was in 2005.

"Saka noong nakabalik ako dati sa ABS, si Ma’am Charo lang ang kausap ko. Siya lang.

"Tinanong niya ako, ‘Ano ba ang gusto mo? Willie, magbago ka na. Ano ba ang gusto mo? Gusto mo ba ng primetime, gusto mo ng sitcom?’

“Sabi ko, 'Ma’am Charo, kung babalik po ako, gusto ko noontime.'

"'Tapos nagulat ako, sabi niya ‘Sige, ikaw lang mag-isa, wala kang kasama. Maghanap ka ng direktor mo. Maghanap ka ng lahat. Ikaw na magplano ng gusto mo.’

Continue reading below ↓

"And then, mabalik ako sa kuwento ko, para malaman niyo lang ho, pumunta ako ng opisina niya. Sabi niya, ‘O, ayan, pirmahan mo ‘yan para makabili ka ng bahay.’

"Binigyan niya ako ng P2 million. ‘O downpayment mo ‘yan.’

"Hindi ko ho nakakalimutan sa mga taong ito kung ano ang ginawa nila sa akin."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Willie Revillame to Wowowin audience: "Nami-miss ko kayo talaga, yung sigaw niyo, dun na kayo kumakain sa jeep, naka-wheelchair, yung mga magulang na walang pambili ng gamot."
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results